Biyernes, Marso 25, 2011

why about blank?

ewan ko.

jokelang

ito ay dahil walang kwenta, hindi kapupulutan ng aral at 'basta nalang' ang laman ng mga blog ko. walang laman, walang dating, blanko. wala. pero meron. gets?ako kasi hindi eh. basta!

hindi ako blogger. ginawa ko lang tong account na to dahil gusto ko lang magkwento ng walang kwentang pangyayari sa buhay ko. nababagot kasi ako. simula ng mag abroad last month sa singapore mga kabarkada ko at dalawa nalang kaming magkabarkada naiwan dito e mejo naging boring na buhay ko. wala ng gala. wala ng bumibisita sa bahay namen para manggulo.

anyway, hindi ako magaling magsulat hindi rin ako magaling sa english. ewan ko bat napakabobonics ko dun. but im willing to learn.hahaha
marunong naman ako kaya lang talagang sablay grammar ko eh. e kung magaling sana ko dun edi susyalan tong site ko, english sana! taray na, bongga pa. kaso hinde.

marami na din akong naisulat na mga walang kwenta, yun nga lang sa multiply at facebook ko yun nakapost. gusto ko sana magstay sa facebook kaya lang, may mga bagay na ayaw ko mabasa na ng iba. ok na dito. wala akong friends.

kaso nakakabobo naman tong blogger na to, mas nasanay kasi ako sa muliply. ang tanga ko nga e, kase nagsearch ako ng blogsite ng mga pinoy at dun  ako napunta sa blogsngpinoy.com.
nilink ko tong site ko at sa katangahang palad, ang nailagay kong name ng blog ko ay "Usapang Pera" sa halip na "About: Blank". ang tanga noh?
tinatamad na ko baguhin pa kaya ok na yun.. hindi ko rin kasi alam baguhin.

infairness, may nagcomment sa una kong post. at may mga followers pa. hahaha
sana e di kayo magsawa sa mga blog kong walang patutunguhan, laging may kinikilingan, laging may sinusuportahan.. usapang kupal lamang. enjoy! :)

sketch ko yan dati pa. yan ang mga friends ko. from top to bottom, left to right: si tandang jay-r, si boytubol topaks(arkitek na yan), si foch yung malake ulo sa gitna, si cristina "butanding" (xa ang kasama kong hindi nagsingapore) at ako, yung nakaback pack. parang gago lang

currently listening to: bass down low by DEV

Miyerkules, Marso 9, 2011

usapang pera

time check: 9:26am
lokasyon: dito sa office
ginagawa: nagbablog habang nakikinig ng tambalan kristyuper at nicoleala
baket?; wala ang boss ko, panahon na para hindi magpanggap na may ginagawa.

well actually, nagpapanggap pa din ako kahit konti, dahil meron din ilang mga superiors dito sa office na kasama ko, mahirap na baka isumbong ako sa boss ko na walang ginagawa. hindi ko pa naman kabisado mga ugali ng mga tao dito. Halos mag 2 1/2 months na ko dito sa bago kong trabaho. Talagang draftsman lang ako and to be specific, pag 3D lang ang ginagawa ko, puro perspectives. Nung una nag eenjoy ako dahil ito naman talaga ang gusto kong trabaho; hindi nag iisip masyado at magperspective ng walang katapusan. Nung una yon, pero ngayon, inaatake na naman ako ng katamaran. Tinatamad magtrabaho, sana mayaman nalang ako.

Bakit ba kasi pinanganak akong mahirap? Sana tulad nalang ako ng ibang mayaman na kahit hindi na sila magtrabaho e kakain parin sila sa oras, mabibili pa rin nila mga gusto nila, magagawa parin nila lahat ng kanilang gustohin, mapupuntahan parin nila lahat ng gustong puntahan. Hindi na nila kelangan pang magtrabaho at kumita ng above minimum na saktong sakto lang para sa mga single na katulad ko. Hindi na kelangan pang magtrabaho abroad para lang kumita ng bongga,para makapag pagawa ng magarbong bahay, makabili ng sasakyan at mapag aral mga kapatid, in short, magkaroon ng kahit papaano ng magaang kabuhayan.

Yan lagi tinatanong ko sa sarili ko tuwing makakakita ako ng mayayaman sa mga sosyalan na lugar. Di ba nakakaingget? Aminin na natin kahit gano ka kasaya o kakuntento ngayon e pinangarap mo pa din maging tulad ng mga super yaman na tao. Sila na super mahal ng mga kasuotan, naggagandahan ang mga kotse, kumpleto sa gadgets, at ang pinakamatinde, hindi problema ang pera. Ang tanging problema nila ay pano madadagdagan ang kayaman nila.

Kung ako ang nanalo ng 700 million + sa lotto dati, siguro mga 50M pala ng nagagastos ko. Ang dami kong pinapangarap at ang pinaka una kong gagawin ay magreresign na ko sa trabaho ko at sisimulan ko na problemahin kung pano ko uubusin ang 100M sa loob ng 50fucking years. imagine,14M ang budget ko sa loob ng isang taon sa span na 50years?ok na yun gang mamatay ako. ang lupeet!!! sobra sobra na yun, hindi lang sakin kundi kasama na family ko. Bakit ko gagayahin si Henry Sy at iba pang mayayaman na patuloy na nagpapayaman? baket? Hindi ako gago nuh. Enjoyin dapat ang buhay. Kung may pera ka na, bakit mo pa poproblemahin ang pera?Yan ang problema sa mayayaman, hindi makuntento. Sa totoo lang,hindi naman mauubos ang pera kung mayaman ka na  eh, basta may disiplina sa paggamit.

Ang nakakainis kasi sa mayayaman, payaman sila ng payaman, pero ang mga empleyado naman nila e kakarampot lang ang sweldo. Tulad ko, kahit no brainer ang trabaho ko e sobrang hirap din gumawa ng perspective ah. hindi lahat kayang gumawa nito.. tapos ang sweldo ko ay above minimum lang. wat da hel.
Ang tanging paraan nalang para lumaki ang kita ko ay maging RLA(registered and Licensed Architect) o di ba susyalin?RLA pang nalalaman e pwede namang arkitek lang.wala lang, natutunan ko lang yan sa review cenner(center). At ang isa pang paraan ay ang pag abroad.. hay sana nga. kelangan ko ng kumita ng limpak limpak na salapi!