Miyerkules, Abril 20, 2011

my frustrations

naiinis parin ako until now. nakamove on na ko sa "rob gale" issue. Naiinis ako kase hindi ko parin magamay tong blogger. Nakakabobo talaga to..or bobo lng talaga ako. hahaha

1. everytime na ivview ko ang mga post ko, hindi ako makabalik sa home.
2. laging tagalog yung sa post, i mean buong page nakatranslate sa tagalog.
3. hindi ako marunong magcustomize ng web. ang corny tuloy ng design ngblog ko. hindi ko tuloy mailagay yung ginawa kong banner.
4. siguro nasanay lang ako sa multiply. hehehe
5. urggggh nakakaines.
6. bye

teh san yung CR?

nagpunta ako ng robinsons galeria kagabe.
hanep. ang daming nagbago. almost fully renovated. infairness... maganda xa.
spacious, at talaga naman macucurious ka kung "anu meron sa banda don?" kasi sobrang laki at parang ang daming nadagdag na spaces. Last na punta ko kasi dun e last year pa. daming enclosed na spaces dahil under renovation pa. kung interior design rin lang ang pag uusapan e panalo xa, pwedeng ipantapat sa moa. infairness umaliwalas na ang kapaligiran hindi katulad dati na ang cheap ng itsura.

pero eto ang napansin ko na hindi manlang kinonsider sa design...
walang CR?

puta. badtrip.

ihing ihi na ko, yung mga dating lugar ng CR ay hindi ko makita. hindi ko alam kung naduduling na ko kakamadali sa paghahanap kaya hindi ko makita pero putangina talaga, sobrang haba na ng nilalakad ko wala pa rin akong nakikitang signage ng CR!!!!!

hindi ko kasi ugali magtanong kung alam ko naman na may mga signage. Pero wala! kaya napikon ako. nagtanong tuloy ako kay ate, sabi nya sa baba daw(basement) fuck! bat ganun? sa foodcourt walang cr? grabe naman. nakakainis. Kung ang concept ng space planning nila e nasa iisang lugar lang ang CR, edi fine! pero sana maglagay naman sila ng signage. tangina talaga wala! E bago mo makita yung CR naipawis mo na lahat ng iiihi mo. wat da hel.so ayun, after ko makaihe e hindi na ko naglibot dahil sobrang badtrip na ko.

Huwebes, Abril 7, 2011

X10 mini: small, mighty, cute!! :)

.
Last month binili ko tong x10 mini! Hindi ko magets kung ano ang piniputok ng buche ng mga gumagawa ng review sa phone na to na puro negative nalang ang sinasabi kaya hindi agad ako bumili dahil xempre baka nga totoo mga negative comments saying naman pera.

Pero nakakita ko sa ebay na brand new, 8k only, (yun nga lang shop warranty lang, hindi SE warranty)kaya binili ko na. So far wala pa naman defects ang phone ko. Siguro ay napakamalas lang ng iba at puro defective ang nabili nila. Or should I say, hindi lang sila marunong gumamit ng phone?hahaha

Eto ang review ko na walang masyadong technical terms, para sa mga ordinaryong tao na sa tingin ko ay ito lang ang kelengan na malaman:

Battery life – 2days pinakamatagal, 1 day pag madalas mag wi-fi, walang tigil ng text, games, music. Para lang syang dati kong k810i at w595. Hindi ko magets kung bakit yung iba e 6hrs lang inaabot ng battery.
Wifi- super bilis ng wifi nito pag mabilis ang internet (xempre hahaha). Malakas sa battery ang wifi (kahit saang phone naman eh)
Sounds – ok lang, hindi naman big deal sakin ang sound J
Camera- Dgcam quality. I can say that dahil trabaho ko ang pag eedit ng picture sa photoshop. Maganda ang quality ng picture (pag maayos ang pagkakapicture). Downside nito ang led flash, pero ok na din. Mas maganda lang talaga pag xenon ang flash.
Touch screen – kung nakagamit ka na ng ipodtouch, ganun ka responsive ang touch screen ng x10 mini. Fast and smooth.
Screen resolution – hindi ko alam eh. Basta yung pinakamaliit na resolution ng smart phone. Ang dami nagrereklamo sa resolution ng phone na to, di naman xa ganun ka big deal.
Calls – ok lang.
Texting – swak na swak saken kasi maliit lang ako, xempre maliliit din daliri ko so fit lang sa pagtetext. Ewan ko lang sa inyo.
Video recording – maganda. Promise. 30fps is cool! Wala ng pixilated chuvaness.
Design – eto ang isa sa mga major major reason ko kaya ko binili to. Cute & sleek!
Os – android 2.1. madami ang nadidisappoint dahil hindi na daw maaupgrade sa 2.2. Again, big deal ba? Hahahaha dati nga ang mga phones ay walang updates, pero nagagamit pa rin ng maayos. Konti lang naman ang differences ng éclair sa froyo and as if mararamdaman mo yun.

Yun lang, tinatamad na ko. Hehe

**hay grabe, bilis ng panahon, smart phones na ngayun ang uso..samantalang dati monochromatic pa at backlight lang ang nagpapaganda sa cp. Xempre yung iphone ang pinakasikat at pinakamahal. Pero kung wala kang pera at gusto mo magkasmart phone, madami namang mura at mas maganda pa sa iphone. Tulad ng x10mini, design pa lang panalo na. Parepareho lang naman yan eh.

 Maraming mga features ang mga high end smart phones na hindi nman talaga kelangan, tulad ng super AMOLED, SLCD, retina chuvaness etc kaya nagiging mahal yung price nila.Anhin mo ba yung mga yun?
Sa ngayun, mga dual core smartphones na lumalabas, bibili ka ba nun? Cguro ako pag 10k nalang yung price. Hahaa hindi naman kelangan eh. Anu ba ilalagay mo sa cp mo at dapat dual core ang speed? As if pwede ako mag autocad at sketchup at magrender jan.

 Mas magiging ok siguro kung magkakaroon ng water, dust, freeze, heat,scratch at shock proofing ang mga smart phones na yan (xempre, konti nalang bibili ng phones pag sobrang tibay na..hehehe), para hindi na bibili yung mga parokyano nila ng jellycase, leather case o kung anu pa mang case yan. Bat kaya hindi nila include yung screen protector sa package ng mga cellphones noh? Hirap pa naman magkabit nyan. Nakakainis.
Anyway, masyado na kong malayo sa topic.