Huwebes, Abril 7, 2011

X10 mini: small, mighty, cute!! :)

.
Last month binili ko tong x10 mini! Hindi ko magets kung ano ang piniputok ng buche ng mga gumagawa ng review sa phone na to na puro negative nalang ang sinasabi kaya hindi agad ako bumili dahil xempre baka nga totoo mga negative comments saying naman pera.

Pero nakakita ko sa ebay na brand new, 8k only, (yun nga lang shop warranty lang, hindi SE warranty)kaya binili ko na. So far wala pa naman defects ang phone ko. Siguro ay napakamalas lang ng iba at puro defective ang nabili nila. Or should I say, hindi lang sila marunong gumamit ng phone?hahaha

Eto ang review ko na walang masyadong technical terms, para sa mga ordinaryong tao na sa tingin ko ay ito lang ang kelengan na malaman:

Battery life – 2days pinakamatagal, 1 day pag madalas mag wi-fi, walang tigil ng text, games, music. Para lang syang dati kong k810i at w595. Hindi ko magets kung bakit yung iba e 6hrs lang inaabot ng battery.
Wifi- super bilis ng wifi nito pag mabilis ang internet (xempre hahaha). Malakas sa battery ang wifi (kahit saang phone naman eh)
Sounds – ok lang, hindi naman big deal sakin ang sound J
Camera- Dgcam quality. I can say that dahil trabaho ko ang pag eedit ng picture sa photoshop. Maganda ang quality ng picture (pag maayos ang pagkakapicture). Downside nito ang led flash, pero ok na din. Mas maganda lang talaga pag xenon ang flash.
Touch screen – kung nakagamit ka na ng ipodtouch, ganun ka responsive ang touch screen ng x10 mini. Fast and smooth.
Screen resolution – hindi ko alam eh. Basta yung pinakamaliit na resolution ng smart phone. Ang dami nagrereklamo sa resolution ng phone na to, di naman xa ganun ka big deal.
Calls – ok lang.
Texting – swak na swak saken kasi maliit lang ako, xempre maliliit din daliri ko so fit lang sa pagtetext. Ewan ko lang sa inyo.
Video recording – maganda. Promise. 30fps is cool! Wala ng pixilated chuvaness.
Design – eto ang isa sa mga major major reason ko kaya ko binili to. Cute & sleek!
Os – android 2.1. madami ang nadidisappoint dahil hindi na daw maaupgrade sa 2.2. Again, big deal ba? Hahahaha dati nga ang mga phones ay walang updates, pero nagagamit pa rin ng maayos. Konti lang naman ang differences ng éclair sa froyo and as if mararamdaman mo yun.

Yun lang, tinatamad na ko. Hehe

**hay grabe, bilis ng panahon, smart phones na ngayun ang uso..samantalang dati monochromatic pa at backlight lang ang nagpapaganda sa cp. Xempre yung iphone ang pinakasikat at pinakamahal. Pero kung wala kang pera at gusto mo magkasmart phone, madami namang mura at mas maganda pa sa iphone. Tulad ng x10mini, design pa lang panalo na. Parepareho lang naman yan eh.

 Maraming mga features ang mga high end smart phones na hindi nman talaga kelangan, tulad ng super AMOLED, SLCD, retina chuvaness etc kaya nagiging mahal yung price nila.Anhin mo ba yung mga yun?
Sa ngayun, mga dual core smartphones na lumalabas, bibili ka ba nun? Cguro ako pag 10k nalang yung price. Hahaa hindi naman kelangan eh. Anu ba ilalagay mo sa cp mo at dapat dual core ang speed? As if pwede ako mag autocad at sketchup at magrender jan.

 Mas magiging ok siguro kung magkakaroon ng water, dust, freeze, heat,scratch at shock proofing ang mga smart phones na yan (xempre, konti nalang bibili ng phones pag sobrang tibay na..hehehe), para hindi na bibili yung mga parokyano nila ng jellycase, leather case o kung anu pa mang case yan. Bat kaya hindi nila include yung screen protector sa package ng mga cellphones noh? Hirap pa naman magkabit nyan. Nakakainis.
Anyway, masyado na kong malayo sa topic.
   




2 komento:

  1. Nice! Parang review lang ano. Hehe.. Hmm, Im thinking of buying a new cellphone.. so timing tong "review" mo. Sa totoo lang din, hindi ko kayang bilhin ang mga super mahal na smartphones... iphones.. kung anu-ano pa. Actually, okay na sa akin kahit hindi sya touchscreen, basta qwerty lang ang keypad.. hehe.. Feel ko lang kasi.

    Meron akong LG GW300. Okay naman sya kaso medyo ambilis madrain ng battery nya. Arte lang kasi ayoko ring bumili lang ng battery. So I'm thinking of buying a new one.. pero within my price budget.. mga 8-10k, okay na..

    I'm going to check out the SE x10 mini...

    P.S.
    Oo nga, ambilis lang. Naabutan ko pa dati ang 5110 na cellphone. Isang tao lang sa amin ang meron nun, at grabe.. feeling namin sa kanya that time, eh super yaman nya.. Kasi siya lang ang may handy phone. Wahaha.. Then lumabas ang 3210. One of the most durable phones I've ever had. Kung hindi lang nanakaw yun, buhay pa yun until this time... :)

    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH
    Everyday Letters

    TumugonBurahin
  2. @leah:
    hahaha 5110 ang una kong cp. infairness ang mahal nya dati 5,600 ko yun nabili, i mean, pinabili sa mama ko. :) imagine a 5k worth na cp ngayon, maganda na di ba? pero nakakamiss din gamitin mga old phones, kaya lang mahina na talaga mga battery nila and sirain yung charger compare sa mga new cheap phones ngayun na 1week na di pa nalolobat. hehehe

    kung gusto mo ng qwerty at matibay na battery, mag nokia e71 or e72 ka. maganda yung design nun at features. di ko lang alam kung mahal pa din yun at papasok sa budget mo na 8-10k. try mo din x10 mini pro. make sure lang na android 2.1 na yun para matipid sa battery.

    TumugonBurahin