Sabado, Setyembre 12, 2015

the exit

Nagpunta ko ng Singapore sa pagbabakasakaling makahanap ng trabaho. Trabaho na related sa field ko. Trabahao na higit na mas malaki ang sahod kesa sa Pinas. (Obviously naman na reason yan ng mga OFW eh).

Pagtungtong ko ng Changi Airport, tinatakan na yung embarkation ko ng "30 days" na pwedeng mag stay dito. (well yun naman talaga ang tinatatak nila sa mga tourist)

30 days:
-dyan ko pagkakasyahin ang perang inipun ko ng 1year para makapaghanap ngtrabaho. kasama na dito yung pagkain, konting gala, at pati pambayad sa titirahan namin ni keps. BUT good thing at nandito yung dalawa namin na kaibigan na matagal na kaming hinihintay sila betlog at boy tubol. Dun muna nila kami pinag temporary stay habang naghahanap kami ng work ni keps. (at actually gang ngayun ay dito parin kami nakatira).

-sa araw na yan, wala akong gagawin kundi magstay sa bahay, at maghanap ng trabaho online (salamat kay boy tubol dahil may extra syang laptop para magamit ko sa pag hanap ng trabaho, pag edit ng resume at sample of works).

-isa ang mga araw na to na nakakastress na halos lumevel sa 30days na pagrereview ko para sa board exam ko dati.

-sa loob ng 30days, tatlo lang yung naawang tumawag sakin para iinvite ako ng mainterview pero di naman ako natanggap. Ang hirap sa kalooban ko na yung kasama kong si keps ay madaming tumatawag sa kanya, although  narereject din sya but finally after 15th day nya ata ay natanggap na sya. ako ayun d maiwasan na mainggit, mastress, mag self pity at mawalan ng pag asa kahit palagi akong nagppray.

-dito mo masusubukan ang tatag ng loob mo at ang pananamplataya mo sa Diyos. :'(

Oo inaamin ko sobrang nalulungkot ako nung nareject yung nagpapaextend ako ng visit pass ko dito sa SG. That means, "time is up, balik na ko ng Pinas". Dumating na rin sa point na naghingi ako ng sign kay God (na hindi ko naman talaga ginagawa sa buong buhay ko) kung ang pag abroad ba talaga ay para sakin o pang Pinas lang talaga ako., hay oo nawalan na talaga ko ng pag asa. Yun na ata pinakamalungkot na naranasan ko. ang hirap kase wala naman yung family ko para icomfort ako, although may skype naman pero iba parin pag kasama mo sila. Hanggang sa nag give na ko at nagdecide na bumili nalang ng ticket pauwi ng pinas.

Pero ayaw ng mga kaibigan ko na ganun nalang. Salamat sa kanila at nabuhayan ako ng loob ng sabihan nila ako na mag exit sa Malaysia para pag balik sa SG ay another 30days ulit ang visit pass ko.

Kasama ko si betlog at boy tubol papaunta ng Kuala Lumpur, ML.Heheh oo dun ang destinasyon namin. Kanya kanya kami ng interest kung bakit napagdesisyunan namin ang pagpunta dun.
Boy Tubol : Para samahan ako, para madami kami at para di panghinalaan na mag eexit lang. Pamparami lang kumbaga. hahahaha
Betlog : para makapunta sa Batu Cave, at sa KLCC kung nasaan yung Petronas Towers..(mahilig gumala si betlog kaya game na game)
Ako: Para mag exit at makabalik ulit sa SG.

----------------

nakaset na sa utak ko, at dasal ako ng dasal, na "Lord, if this is for me, nothing can stop us, if this is for me Lord, everything will go flawlessly, walang hassle etc., but above all, may Your will be done".
Dinala ko na lahat ng gamit ko at pinagkasya sa back pack(mahirap na pag di nakabalik eh) except sa mga documents for application ko including resume.

So ayun na nga, ibang level yung stess, mula sa pag labas namin ng SG hanggang sa pag pasok sa ML, parang butas ng karayom. puro dasal lang. Nag bus lang kami, 12mn to 6am ang byahe. para kang nag manila to baguio. buti nalang super komportable sa nasakyan namin na bus.(parang mga deluxe na bus sa Pinas na byaheng Ilocos/Baguio)

Dahil bagong environment, medyo nawala yung stress ko at nag enjoy naman kahit papaano ang view, at ang travel na parang amazing race ang peg. Imagine, pag lapag namin ng 6am on that day, nag stay pa kami till 8am sa main terminal dahil wala kaming ringgit (malaysian currency) tapos magbbyahe kame papuntang Batu Cave the KLCC then dapat makabalik kami ng mainterminal ng 3pm. In fairness, komportable naman ang biyahe dahil lahat ng yun eh MRT lang ang sasakyan...malayo nga lang.

Isang mapakataas na hagdan patungo da Batu Cave

Petronas!
Ilan lang yan sa sandamukal na pics na kuha ko. Sakto naman by 3pm  naka balik na kami sa Terminal para sumakay ng bus at makabalik sa SG." This is it, the moment of truth'" sabi sakin ni betlog, nung malapit na kami sa boundary ng ML & SG.

.....and everything goes smoothly and flawless. Mangiyak ngiyak ako sa tuwa nung makapasok ako muli sa SG. as in walang tanong tanong yung imm. officer, tatak agad ng 30days sa passport. hay Thank GOD. parang nawalan ako ng tinik sa lalamunan.

pagdating namin sa bahay dito sa SG, bigla ako nagcheck ng email, and may nagschedule sakin for interview. "ito na yun, ito na yung sagod ni God". nung araw din na yun(interview), natanggap ako at nilakad na yung papers ko for MOM application. :)

at dito na nagsisimula ang version 2.0 ng buhay ko. ang buhay OFW. bow

<a href="http://noypibloglist.blogspot.com/" rel="nofollow">Noypi Blog List</a></div>