Sabado, Setyembre 12, 2015

the exit

Nagpunta ko ng Singapore sa pagbabakasakaling makahanap ng trabaho. Trabaho na related sa field ko. Trabahao na higit na mas malaki ang sahod kesa sa Pinas. (Obviously naman na reason yan ng mga OFW eh).

Pagtungtong ko ng Changi Airport, tinatakan na yung embarkation ko ng "30 days" na pwedeng mag stay dito. (well yun naman talaga ang tinatatak nila sa mga tourist)

30 days:
-dyan ko pagkakasyahin ang perang inipun ko ng 1year para makapaghanap ngtrabaho. kasama na dito yung pagkain, konting gala, at pati pambayad sa titirahan namin ni keps. BUT good thing at nandito yung dalawa namin na kaibigan na matagal na kaming hinihintay sila betlog at boy tubol. Dun muna nila kami pinag temporary stay habang naghahanap kami ng work ni keps. (at actually gang ngayun ay dito parin kami nakatira).

-sa araw na yan, wala akong gagawin kundi magstay sa bahay, at maghanap ng trabaho online (salamat kay boy tubol dahil may extra syang laptop para magamit ko sa pag hanap ng trabaho, pag edit ng resume at sample of works).

-isa ang mga araw na to na nakakastress na halos lumevel sa 30days na pagrereview ko para sa board exam ko dati.

-sa loob ng 30days, tatlo lang yung naawang tumawag sakin para iinvite ako ng mainterview pero di naman ako natanggap. Ang hirap sa kalooban ko na yung kasama kong si keps ay madaming tumatawag sa kanya, although  narereject din sya but finally after 15th day nya ata ay natanggap na sya. ako ayun d maiwasan na mainggit, mastress, mag self pity at mawalan ng pag asa kahit palagi akong nagppray.

-dito mo masusubukan ang tatag ng loob mo at ang pananamplataya mo sa Diyos. :'(

Oo inaamin ko sobrang nalulungkot ako nung nareject yung nagpapaextend ako ng visit pass ko dito sa SG. That means, "time is up, balik na ko ng Pinas". Dumating na rin sa point na naghingi ako ng sign kay God (na hindi ko naman talaga ginagawa sa buong buhay ko) kung ang pag abroad ba talaga ay para sakin o pang Pinas lang talaga ako., hay oo nawalan na talaga ko ng pag asa. Yun na ata pinakamalungkot na naranasan ko. ang hirap kase wala naman yung family ko para icomfort ako, although may skype naman pero iba parin pag kasama mo sila. Hanggang sa nag give na ko at nagdecide na bumili nalang ng ticket pauwi ng pinas.

Pero ayaw ng mga kaibigan ko na ganun nalang. Salamat sa kanila at nabuhayan ako ng loob ng sabihan nila ako na mag exit sa Malaysia para pag balik sa SG ay another 30days ulit ang visit pass ko.

Kasama ko si betlog at boy tubol papaunta ng Kuala Lumpur, ML.Heheh oo dun ang destinasyon namin. Kanya kanya kami ng interest kung bakit napagdesisyunan namin ang pagpunta dun.
Boy Tubol : Para samahan ako, para madami kami at para di panghinalaan na mag eexit lang. Pamparami lang kumbaga. hahahaha
Betlog : para makapunta sa Batu Cave, at sa KLCC kung nasaan yung Petronas Towers..(mahilig gumala si betlog kaya game na game)
Ako: Para mag exit at makabalik ulit sa SG.

----------------

nakaset na sa utak ko, at dasal ako ng dasal, na "Lord, if this is for me, nothing can stop us, if this is for me Lord, everything will go flawlessly, walang hassle etc., but above all, may Your will be done".
Dinala ko na lahat ng gamit ko at pinagkasya sa back pack(mahirap na pag di nakabalik eh) except sa mga documents for application ko including resume.

So ayun na nga, ibang level yung stess, mula sa pag labas namin ng SG hanggang sa pag pasok sa ML, parang butas ng karayom. puro dasal lang. Nag bus lang kami, 12mn to 6am ang byahe. para kang nag manila to baguio. buti nalang super komportable sa nasakyan namin na bus.(parang mga deluxe na bus sa Pinas na byaheng Ilocos/Baguio)

Dahil bagong environment, medyo nawala yung stress ko at nag enjoy naman kahit papaano ang view, at ang travel na parang amazing race ang peg. Imagine, pag lapag namin ng 6am on that day, nag stay pa kami till 8am sa main terminal dahil wala kaming ringgit (malaysian currency) tapos magbbyahe kame papuntang Batu Cave the KLCC then dapat makabalik kami ng mainterminal ng 3pm. In fairness, komportable naman ang biyahe dahil lahat ng yun eh MRT lang ang sasakyan...malayo nga lang.

Isang mapakataas na hagdan patungo da Batu Cave

Petronas!
Ilan lang yan sa sandamukal na pics na kuha ko. Sakto naman by 3pm  naka balik na kami sa Terminal para sumakay ng bus at makabalik sa SG." This is it, the moment of truth'" sabi sakin ni betlog, nung malapit na kami sa boundary ng ML & SG.

.....and everything goes smoothly and flawless. Mangiyak ngiyak ako sa tuwa nung makapasok ako muli sa SG. as in walang tanong tanong yung imm. officer, tatak agad ng 30days sa passport. hay Thank GOD. parang nawalan ako ng tinik sa lalamunan.

pagdating namin sa bahay dito sa SG, bigla ako nagcheck ng email, and may nagschedule sakin for interview. "ito na yun, ito na yung sagod ni God". nung araw din na yun(interview), natanggap ako at nilakad na yung papers ko for MOM application. :)

at dito na nagsisimula ang version 2.0 ng buhay ko. ang buhay OFW. bow

<a href="http://noypibloglist.blogspot.com/" rel="nofollow">Noypi Blog List</a></div>






Lunes, Hulyo 27, 2015

Nokia lumia 620: my 2years old windowsphone

Wow.
Eksaktong 2years na since nabili ko yung windows phone ko na nokia lumia 620. Hahah ito na ata ang pinakamatagal na nagamit ko na smartphone mula ng sumikat ang smartphones. Actually nagsimula ako magpapalit palit ng cellphone mula nung masira yung sony ericsson x10 mini ko na unang android smartphone ko ever.

Mula nung masira yun sakto naman nakapulot si mama ng iphone 3g kaya yun ginamit ko for the mean time pero d ako nakatagal nobored ako kaya ayun nagsimula na ang pagpalit palit ko ng phones dahil wala ako kakuntentuhan sa buhay.

Ok, konting flashback:
From iphone to nokia e6 swapped to nokia e7 tapos nagsawa binigay kay papa then bumili ng 2nd hand blackberry 8250 then sony ericsson xperia neo V.. Tapos d ulit makuntento nakipagswap sa nokia e7 ulit. Tapos bumili pa ko ng LG android yung cheap lang dahil gusto ko matry dual sim pero sinwap ko sa tablet. Hahaha ang gulo. But at the end of the day, binenta ko na yung nokia e7 ko at bumili na nga ako ng nokia 620. Bakit? Dahil windowsphone nalang ang di ko pa nattry na smartphone ever. So ayun nga, mula non mukhang nanahimik ang mundo ko.

Sa totoo lang, maganda ang windowsphone way back 2013. As in kaya nya talaga makipagsabayan sa androids and iphone..may potential talaga. Yun nga lang, feel ko di talaga sisikat ang wp tulad ng iphone and androids dahil konti ng apps. Yung sikat na mga games nung panahon na yun e wala talaga sa wp kaya naman di rin masisisi bat konti lang (bihira lang talaga) bumibili. Example nalang na sobrang sikat nun e candy crush and temple run 2. Nganga ang wp that Time alhough ngayun meron na yun lang d na uso eh. Hahahahah

Pero para sakin nung time na yun masaya ko sa wp kase d naman ako mahilig mag games sa cp. Ang gusto ko lang e maganda ang camera(which is fair enough naman sa 620 na nabili ko) may wifi pang fb, at mabilis. Hindi nag hahang. I love the simplicity of the os, at higit sa lahat, trip ko yung modern ui at live tiles lalu na nung naupdate sa denim. Kaya siguro nagtagal ng 2years 620 ko . At dahil puro sms lang ako that time nakakatuwa yung sms back up ng wp dahil kahit magformat ka ng cp pwede mo parin irestore lahat ng nabackup mo na sms. Kaya naman mga msgs ko last 2013 e buhay pa. Hahahha

Kaso, Nung napunta na ko dito sa SG, dun ko naramdaman na very incompetent ang wp compare sa android and ios. I just realized na waley pala talaga sa quality ng apps ang wp lalu na sa mga messaging apps. Syempre dahil nasa abroad na ako, d na ko masyado sa sms, chat app na nagmamatter this time like fb messenger, viber and skype. Dito na ko nabadtrip dahil una, ang fb messenger till now ay walang voice call, ang skype kahit windows app sya mas maganda parin ang skype for android and ios, sa viber iba parin ang experience pag android and ios. Ligwak na ligwak ang wp. E balak ko pa naman bumili last year ng lumia 1020. Kaso kung ganyan rin lang walang quality ang apps, dehins na.

Anyway, kahit naka note4 na ko, i still have my lumia 620 as back-up/roaming phone. Super like ko parin kasi ang design till now though mejo naninibago na ko kase parang nasanay na ko gamitin yung note 4. Naliliitan na tuloy ako sa 620.

Hahahha ayun.. Yun lang. Im hoping na maupdate ko parin ang 620 to windows10. :)

Biyernes, Hulyo 24, 2015

Touch down, Singapore!

• T-shirt, sando, brief, pants, mejas...at lahat ng mga damit na pwede ipagkasya sa isang back pack- isang malaking CHECK!
• Pocket money, worth 65k php converted to sg dollar – CHECK!
• Cebupac round trip ticket worth 5.6k– check!
• Itinerary kuno – check!
• Mga docs, ready for LBC
• Get up- shorts, sneakers, backpack tshirt (tourist na tourist ang ganap)
• Passport, check!
• Prc and voter’s ID, check!

Bakit ganito kabusisi? Alam na this.

Putek, alas onse na d pa ko makatulog. Sobrang excited kasi ako para sa flight namin ng friend ko papuntang SG.. Actually 530 am yung flight namin at usapan namin na magkita kami sa naia 3 ng 230. Excited lang?? Hahahah oo excited ako. Yun kasi ang first time ko..sa edad kong 27, yun palang ang unang beses kong nakapasok sa loob ng airport at makasakay ng errrpleyn. Shengeneeeh, makakasakay na ko ng errpleyn. Naalala ko tuloy nung bagong salta ako sa manila way back 2003 para mag aral ng college... Ganadong ganado akong pumasok nun kase sasakay ako ng lrt. Ang saya saya ng pakiramdam ko non. Feeling ko nag level up na ang buhay ko non.hahahha promding promdi lang ang peg.ambabaw..hahha

Anyway, so ayun na nga masaya ako na malungkot na excited na –feeling blessed ang peg (parang fb lang) at kinakabahan.:
Masaya kase makakapunta na ng ibang bansa.

Malungkot kase syempre mamiss ko family ko, yung simpleng buhay sa Pinas, at syempre mamimiss ko ang babe ko. (actually the day before ng flight ko ay monthsary namin.)

Excited dahil nga first time sa errrpleyn

Feeling blessed kase well sa hirap ng buhay ngayon e naffort ko parin makapunta ng ibang bansa sa sarili kong pera. O db? Oo sg lang pupuntahan ko basta ang alam ko aalis ako ng pinas ng walang utang.

Kinakabahan dahil sa immigration. Alam na this. Takot maoffload or mainterview ng imm. Officer. Kaya naman super dasal ako na sana makalusot kami ng friend ko dun at maging flawless ang lahat ng araw na iyon. Super paranoid pa naman kami ng friend ko kase nagbasa talaga kami ng mga forum regarding sa immigration chenelyn na yan kaya hindi lang kame kinakabahan kundi stress na stress din ng madaling araw na yon.

Pila dito bayad don, hintay dito,pila ulit don.. Until makadating kami sa isang booth. Kinuha passport nami. Saka ticket. Humingi din ng ID.. O pak! Tinanong lang kame kung magjowa kami ng friend ko, sabi ko hinde (kase naman magkasunod kami ng prc reg number, dati kaming classmate, dati rin officemates. Hahaha) tapos nagtanong ulet.. E di best friend kayo? Sabi ko uhmmmmmmmmm... Friend. Napangiti si kuya na nasa booth. Sa loob loob ko chismoso tong anes na to. Paminta siguro. Tapos yun.. Pak! tinatakan na yung passport then nakaalis na kami sa booth.

Habang naglalakad kame to nowhere, sabi sakin ng friend ko tangina mo napaisip ka pa kung best friends tayo ulol! At nagtawanan nalang kame. Tapos bigla ko naalala, tinanong ko si keps (nick name ng friend ko) oo girl xa.”asan na ba yung fucking immigration? Kala ko ba iinterviewhin tayo?”. Tapos sabi ni keps, gagu yun na ata yung immigration eh kase tinatakan na yung passport natin”. Ayun, napathank God ako bigla at parang nabunutan ako ng tinik. Grabe nakalagpas na pala kame ng immigration ng d ko nalalaman.

Then diretso na kami sa boarding at nabored na sobra kakahintay ng 530. Buti nalang hindi delay ang flight.
Nung nasa errrpleyn na kame at d pa umaalis, naghuhurumintado na ko dahil d parin activated ang fucking sun ko.. Well 15mins bago umandar saka palang nactivated and yun na.deymmmmm.. Nasa errplen na ko engseyeee leng. Punta ng cr para mag selfie. Selfie pa ng selfie. Ahahah at buong flight d ako nakatulog. Anlamig kase.kaw ba naman magshorts. Buti nalang dala ko yung jacket kong chaka brown. Naisip ko nga magjakol sa cr e para binyagan, kaso waley. D ako taglibog that time. Hahahaha. At eto pa, bongga yung pag flush sa inidoro, lakas makavacuum... Shet naisip ko,, diretso kaya ito sa labas? Hahahahah
Anyway, ayun.. puta nung palapag na kasumpa sumpang sakit sa tenga naramdaman ko. Grabe ganun pala yun. Super saket. Kaya nama. Super hawak ako sa magkabilang teka ko kase d ko talaga matake. Muntanga lang ako ng mapansin kong ako lang yun g ganun mkareact while the rest e waley lang. Ganooon? Ako lang naiiba ganon? Edi tiniis ko nalang kunyare hindi masaket. Bigla ko naalala bi igyan pala ako ni mama ng kendj kainin ko daw yun pag lalapag na. D naman epekting mga ateng. Sumakit lang ipen ko. Hahaha

After ng ilang minutong torture sa tenga ko..eto na this is it. Yes! Save the date, May 18 2014. (yes, it was last year at Fresh na fresh pa din sa memory ko.)Touch down, Singapore lah! 

@naia t3 boarding area. Good bye philippines for now! :)






Miyerkules, Hulyo 22, 2015

Im back! (part 2)

After 2 years matapos ang last blog ko na im back... Eto at muli akong nagbabalik. Nakakatawa lang kase ni isang blog after ng imback e wala akong naisulat. Hahaha Nako e sana nga magtuloy tuloy na to. Basta feel ko this time e makakarami na ko. Ngayun pa ba na wala na kong pinagkakalibangan kundi mag fb, manood ng movies, manood ng porn at magbasa ng blog..yung bastos. Hahahah

Actually wala lang naman sakin tong blog na to. Di naman big deal dahil di naman ako kumikita dito. Wala din naman akong tagasubaybay na readers. E parang natutuwa lang ako kase till now e buhay padin tong account ko na to. imagine 2011 or 2012 pa ata yung pinakauna kong blog. 2015 na ngayun ang tagal na. Ahhahaha mag iibang buhay na dapat ako e, dun na sana ko sa tumblr kaya lang d ko feel. Nakakainis mag layout. Nakakabobo. Pwede na dito simple lang, though pwede pa rin naman super bongga pero d ko kasi alam mag set up ng mga bagay bagay sa web. Nakakabobo ng 25 times. Hahahh

Well basta im hoping na magtuloy tuloy na to. (paulit ulit?) wala lang mema lang. Hahahha memapahaba lang sa blog haha

Good night everyone. :)


Lunes, Oktubre 28, 2013

im back!

sobrang tagal ko na di naaupdate tong account ko na to. Nakakamiss din pala magblog. Well hindi ko alam pero parang inspired ako ngayun magbalik loob sa pag bblog ng kung anu ano. Mga bagay na walang katuturan, at mga karanasan na walang kabuluhan. Charaught!

dami na din nangyari sa buhay ko after my last blog. At ayun eto ang mga dahilan kung bakit matagal akong di nakakabisita sa account ko na to (as if naman may pakelam kayo noh?) la lang, bakit ba!!?? Ahahahahhahaha:

a. Tinatamad ako-di ko alam bakit sobrang tamad ko na sa mga bagay bagay.
b. Wala sa mood magsulat- yup. Wala akong emosyon na maramdaman para maipahayag ang aking damdamin sa paraan ng pagbblog, (naks, poser na poser ah).
c. Busy at stress-isa ito sa factor kung bakit wala akong paramdam, sobrang stress sa work.haist
d. D ko mabuksan tong gmail account ko na to!!!!! Pero buti nalang napagana ko ngayun. Hay salamat naman at sana ok na. Wag ng mag loko please.

anyway, im back.
ito na ang simula ng book 2. May book 1? Feelingera ang peg?ahaha

Lunes, Mayo 21, 2012

gmail sucks! help

di ko alam kung ano ang nangyayari sa gmail account ko, lagi nalang username and password invalid.
pukingina!! ilang beses na ko nagpalit ng password ganun pa din. paulit ulit everytime na ioopen ko gmail account ko.so para maopen ko account ko e papalitan ko uli ng bagong password.haaay yung account pa naman na yun ang gamit ko sa blogspot at facebook at kung anu anu pa. haist.. nu ba yan.. di kaya na hack account ko? help naman po. thanks

MRT...bow

@MRT Cubao station,6:03am. hanep!!!! nakapila sila. sana tuloy-tuloy na to!

Naamaze ako sa nakita ko kanina nung sumakay ako sa MRT Cubao station. natutuwa ako sa nakita ko. Di ko kasi maimagine na nasa pilipinas ako ng time na yun. Kaw ng makakita ng nakapilang mga pasahero na sasakay sa tren. O di ba?

Bigla tuloy naisip ko na... "kaya naman pala maging madisiplina sa pagsakay sa tren eh, bakit kasi kelangan pang magkagulo at mag unahan dati"
ang di ko lang sure ay kung sa umaga lang ito nangyayari at sa cubao station lang.. sana nga e ganito na sa lahat ng station ng mrt, kahit sa lrt. haaay pinoy talaga!

hay sana nga e tuloy tuloy ng umayos at madisiplina ang mga pinoy! keep it up! :)