Martes, Hulyo 19, 2011

tip ng tamad

Kalahati ng 2011 uminog ang mundo ko sa paghahanda sa board exam.
ah teka, OA masyado yung sinabi ko. Actually hindi paghahanda, kundi stress kakaisip kung papano ko ipapasok sa kukote ko ang gagadangkal na kapal ng papel na reviewer para sa board exam gayung tamad na tamad akong mag aral. Naiistress din ako sa mga classmates ko sa review center dahil everytime na magrereview kame ay talaga namang ready-ng ready sila at mahahalata mong nag aaral sila sa bahay. samantalang ako, kasama ang kaibigan ko na si tina, ay walang ginawa kundi  magcutting class sa review at magpunta sa mall dahil sobrang bagot na kame sa review.

February nung magstart kame magreview, every saturday ang schedule namin ni tina. Madalas kaming magcutting class. Anu nga naman kasi ang gagawin mo pa sa review center kung hindi na inaabsorb ng utak mo yung tinuturo at saka tamad na tamad ka na? kesa naman magpakacorny kame e nagpakatotoo nalang kame.

Month of april na, pero wala, ganun pa rin ang style namin ni tina. ang tinde noh? ako naman sinubukan ko mag aral pag madaling araw, at magbasa ng konti pag breaktime sa office. ayun, hindi effective.tinamad na ko so tinigil na ulit. Mas masarap kaya mag internet at manood ng tv at gumala kesa magreview.

month of May na. eto na. nararamdaman ko na ang tunay na stress. isang buwan nalang ay exam ko na. napagdesisyunan ko na magleave ng 1 month, dahil nainggit ako ke tina. hhahaha wala kasi talaga kaming balak mag leave kase sayang yung sweldo eh. imagine 1 month kang di susweldo e hindi pa nga kami nakakabayad sa review center. anyway, nilunok na ang pride...at nagleave na din. pahirapan para sakin ang approval dahil 4months palang ako sa company namen at magdedemand na magleave ng 1month! hahah parang gau lang noh? But God is good at napayagan ako magleave, yun nga lang on-call. pwde na kesa naman hindi makapagreview ng tuluyan.

1st 2 weeks ng leave ko ay walang kwenta dahil panay ang tawag sakin ng boss ko. nakakainis, alam na nga nyang nakaleave ako e binigyan pa ko ng bagong trabaho. parang adik lang? kakainis talaga dahil wala pa ko nasisimulan sa gagadangkal na reviewhin...

pero ang last 2weeks ko ang pinakamatinde sa lahat. dahil 2weeks nalang, binasa ko nalang at inintinding mabuti ang reviewer. mahirap talaga lalu na yung mga laws at yung design subject. minsan nagpartner review kame ni tina, in fairness dami din ako natutunan sa kanya. nagpost din ako sa dingding ng mga topic na hindi ko matandaan at ayoko kabisaduhin. para madalas kong makita. alam ko kasi pag madalas ko makita at mabasa yun e tatak na rin yun sa kukote ko. dasal, kain, review(basa lang), relax. basta pag hindi komaintindihan yung topic, nagdadasal lang ako na: "Lord tulungan nyo naman ako maintindihan to".. sobrang effective. hindi ka talaga pababayaan ni Lord.

Exam day.
hindi ako kinakabahan, kase yun ang gabi gabi kong dinadasal na sana wag akong matense at kabahan.
anyway, ang 2-day exam ko ay natapos na at ewan ko ba bakit parang feeling ko ang dali lang ng exam. kasi lahat ng binasa ko, at nakutuban ko na lalabas sa exam ay lumabas nga. grabe!!

After 4 days, eto na. kinagabihan daw lalabas ang result. nung araw na yon ay hindi ako mapakali, nasusuka ako, kinakabahan. naiistress dahil sa "what if's"...











...hindi naman kelangan magpakadalubhasa, magmemorize, walang tigil na review, scan, karirin ang board exam. Easy lang, chill, unwind. wag magreview pagtinatamad or pag malayo pa. wag pilitin ang sarili pag ayaw ng utak..preo pag gahol na sa oras.. magbasa ka lang, intindihin mong mabuti, at magdasal.

sa july 25th ang oathtaking namin ni tina... bilang Architect.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento