Lunes, Disyembre 12, 2011

MARCH


Dec 12, 2011
"Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad."


Nagdate kami kahapon ni A sa moa, palakad lakad lang, usap usap, tambay sa bay side ng moa. Kain ng kung ano maisipan. Sobrang saya ko na makasama ko sya kahit sandali lang. Sa pag upo namin sa sea wall sa bay side ng moa, napag usapan namin ang plano nyang pag abroad; sa Dubai. Isasama sya ng boss nya so on and so forth.
haha kitang kita ang basura

ayan si A. hindi yung nakablack, sya yung may hawak ng htc tattoo at kumukuha ng picture


Natuwa ako, kase at least nag iisip na sya para sa future nya. Alam ko naman para sa ikabubuti din nya yung mga binabalak nya at GO ako sa mga desisyon nya kaya naman di na ko nagdalawang isip pa. Sa March daw ang balak nya. Sabi ko, "good! Edi pag nasa Dubai kana, mag apply na din ako for singapore. So... Skype nalang tayo."

Maya maya ay nagpunta na kami sa foodcourt ng moa, at ilang sandali pa ay napagdesisyunan namin na pumunta sa mga frends ko sa pasig. Nastress kame sa byahe dahil nataon na may parada dun sa Pasig. Paskotitap.

Uminom kami, kwentuhan. Nung una ay nagkakahiyaan pa pero nung bandang huli ay feeling close na dahil narin siguro sa kalasingan. Napunta ang usapan sa pag abroad, at dun ko nalaman na may plano na din pala na mag abroad sila(joyce anne, iZang at joyce rose) sa japan. Napangiti nalang ako at dedma. Hindi na nila kasi ako sinama dahil alam naman nilang singapore ang target ko.

11.30 ng umuwi na kami ni babe (A). Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad. Kabaligtaran sa reaksyon ko kahapon, hindi ko alam bat biglang nabalot ng kalungkutan ang nadarama ko nang mga oras na yun kanina.

Wala pa naman kasiguraduhan ang pag abroad nya, pero naisip ko na dapat ay maging handa na ko sa kung anuman ang mangyayari.

"long distance relationship"...hindi ko ata kaya. :'( parang mahirap isipin na magkakahiwalay na kami ni A gayung bago pa lang kami. Hindi pa ganun kahinog kumbaga. Sobrang nalulumbay ako, kahit ipagpilitan ko na para din sa ikabubuti nya yon, hindi eh. Hindi pa dapat. Haaay. If ever matuloy sya sa march, almost 3mos nalang mula ngayun. Maaaring sobrang tagal pa pero anu nalang ba ang 90 days? Napakabilis lang nun lalo na paghinihintay, lalo na at alam mong may magaganap sa mga araw na yun.

Hinde.

Ayoko.


Hindi ko pa ata kaya.


Ayoko pa maghiwalay kami:
Panu kung may magkagusto sa kanya dun?
Panu kung yung nagkagusto sa kanya ay gawin lahat para lang makuha sya, sobrang sweet, loving, caring, etc? may tendency din kasi mafall inlove sya dun lalo nat nasa malayong lugar sya at wala syang ibang kasama kundi mga kapwa ofw na nandun sa bansang yun.
Pano ko maipaglalaban yung love ko kung malayo sya?
May tiwala naman ako sa kanya, pero posible din kasi mangyari mga naiisip ko.
Handa na ba ko sa ganun?
Kaya ko ba ang ganun?
*mga tanong na hindi ko pa masagot at ayokong sagutin ng "bahala na" :(

papa P


Mhin or pa-mhin? Hmmm..

Sobrang kontrobersyal ngayun ang hiwalan ni KC at Piolo. Hindi ko na napanood yung interview ni boy abunda kay KC regarding sa breakup nila pero nabasa ko naman sa yahoo yung article. Actually wala naman talaga akong pakelam sa kanila pero the fact na sinabi ni KC na ''hindi nya(Piolo) naibibigay yung basic na kailangan ng isang babae sa lalake, sa boyfrend..'', nawindang ako dun.

So nun ako nagkainterest basahin ang buong article. So mejo mapapuzzle ka sa sinabi ni KC. At boom! Bigla na naman sumabog ang issue sa gender ni piolo. Ang daming nagcomment dun sa news na yun. kesyo:
*bakla si piolo at dapat ay umamin na sya sa publiko. Tanggap naman daw kasi nila kung anu man ang gender nya basta wag na syang magsinungaling sa publiko. Ouch!

Sorry KC, kase hindi para sayo tong blog na to. So kebs ka muna jan. Hehe 

ok gow...
Madami na akong naririnig, mga tsismis, mga paninira na si Piolo nga daw ay isang bakla. Example nalang ay, Meron daw syang secret place kung saan may imimeet syang mga bi at pipili sya ng matatypean nya. So bilang isang bi na katulad ko, kung bi nga si piolo ay hindi nga naman malabong mangyari yun. Dahil nga natural na malibog ang mga bi.. At gagawa talaga ng paraan yan, makatikim lang ng laman. Yun ay kung si Piolo ay isa ngang bakla.

Wala naman akong pakelam kay Piolo kung sya man ay bakla or straight, kase di naman kame close. Pero kung ako ang tatanungin, hindi kasi ako agad naniniwala unless aminin nya opr may Makita ako na mga signs. Ang sakin lang kase, feel ko lang, paninira lang kay piolo ung gender issue nya (dati). Yun ay sa kadahilanan na sya ay:
*sikat
*madami ang insecure sa kanya kase gwapo naman talaga sya
*madaming bakla ang sobra kung pag pantasyahan sya, at the fact na malabong mangyari na makasex nila si Piolo, e nag iilusyon nalang sila, gumagawa ng kwento, hanggang maging tsismis.

Bakla nga ba talaga si papa P?
kamakailan lang may  video na kumakalat kung saan nandoon si piolo. Nanonood sila ng boxing, kasama si sam milby, yung mga staff and humabol pa si angel locsin. May mga gestures si Piolo na may pagkamalambot eh, inulit pa nga sa video. Nung napanood ko yun parang gay nga sya, at tingin ko alam yun ng mga kasamahan nya sa showbiz pati na rin ng mga staffs. So napaisip ako na baka nga totoo na bakla xa at ayaw lang nya talaga isapubliko. O well, Kayo nalang ang humusga.

 
Kung bakla man sya, Malaking kasiraan sa kanya kung aamin sya in public. maaapektuhan yung career, hanggang sa mawalan na ng projects at wala ng magtitiwala na produkto na pwede nyang iendorse. Ikaw, Gusto mo ba mawalan ng trabaho? Gusto mo ba hindi ka na irespeto ng mga tao? Dahil lang sa pa gamin ng iyong tunay na pagkatao? Syempre hinde, may mga bagay talaga na dapat panatilihing sikreto para narin sa ikauunlad mo, para sa ikabubuti mo. Tulad ko, di ko parin maamin sa magulang ko at sa iba kong mga kaibigan. Mahirap kasi e, hindi mo kasi pwedeng i-please silang lahat.  Mahirap at talagang nakakastress ang katayuan nya ngayon, lalo nat nahaharap sya sa isang hiwalayan. So goodluck nalang sayo piolo kung pano mo didiskartehan yan. hehehe



Huwebes, Disyembre 1, 2011

90's


Ito ang childhood days ko. From kinder to grade six at 1rt year highschool ng late 90's.

*Ito pa yung mga time na wala pang cellphones. Actually meron na nung 1998 pero di pa uso masyado at naglalakihan pa kasi ang mga cellphones nuon at pang call lang ang tanging features.

*uso pa talaga ang mga larong kalye, wala pa kasi'ng online games noon. May family computer games man pero mas sikat parin ang larong takbuhan (bente nueve, moro-moro), sipa, jolens, texts (card), siato (na hindi ko matutunan), jackstones, chinese garter, 10-20, langit-lupa, harang-taga, luksong baka (na lagi akong talo kase maliit lang ako hehe), luksong tintik, basul(kung anu man tawag jan, yan kasi ang alam ko, laro ng tsinelas, pag rambo tsinelas mo, lamang ka!), piko, baseball, basketball (huli nalang to).

*wala pa ko masyadong alam sa mga usong kanta non, basta ang alam ko lang, paulit ulit kong pinapakinggan at halos makabisado ko na mga kanta sa album ng eraserheads na cutterpillow nung grade 3 ako. Kadalasan naman kasi pag bata, mas sikat ang mga novelty songs tulad ng: always, macarena, shalala, mga kanta ng vengaboys, at nung nasa grade 5-6 nalang sumikat ang mga boybands tulad ng backtreetboys and bands like moffats and hanson.

*pinakafavorite ko nung time na yun ay manood ng cartoons: may drama at adventures: Julio at julia, charlotte, remy, nelo, adventures of tom sawyer, adventures of huck finn, judy abbott, cedie, marco, mojacko, princess sara, si mary at ang lihim na hardin, ang munting pangarap ni romeo, little women 2, vontrapp family singers, swiss family robinsons, blue blink,  atbp. Nandyan din ang mga super heroes tulad ng: dragonball z, bt X, gundam, flame of recca, ghost fighter, saber marionette j, magic knight rayearth, eto ranger, sailor moon, princess starla and the jewel riders, yaiba, zenki, voltes V at daimos. Hahaha madami pa.

*kung meron cartoons, meron din yung tao talaga at dito sumikat si mask rider black, shaider, machine man, meron din groups tulad ng maskman, bioman, jetman, power ranger, turbo ranger.waaah ang dameng super heroes noon!!! Hahaha

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

petix mode: ON


Hindi ko talaga alam kung anu ba talaga ang problema ko at sobrang tamad kong magtrabaho. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatagal ng 5hrs straight na pagtrabaho tulad ng mga officemates ko. Naisip ko tuloy na isa lang akong walang kwentang empleyado sa department namin.

Pagpasok sa umaga, bukas ng computer, internet agad. 1 fucking hour na internet at kadalasan more than 1 hour pa. Sobrang liit ng ng window ng google chrome, pero tinitiis ko parin makapagbasa at makapagbrowse lang. Ganun ako katamad. Minsan nga kahit alam kong nasa likod ko lang yung boss ko at alam ko na nakikita nya yung ginagawa ko eh internet pa din ako. Minsan na nya ko napagsabihan, mali pa. Ang akala nya kasi ay may kachat ako. Wtf. Minsan kolang binuksan yung YM ko yun pa ang nakita. Hahha anyways, hindi ko talag mapigilan ang sarili ko sa pagiging tamad magwork.

Moody. May time naman kasina sobrang sipag ko. Minsan nga inaabot ako ng 7pm kakatrabaho. Pero kadalasan talaga,pagpask ko palang ng opisina 6pm na agad hinihintay ko.

Minsan npaisip ako, anu kayang meron sa mga officemates ko na matatanda na at sobrang sipag nilang magtrabaho? Ganu kaya sila kainspired?

Siguro dahil hindi talaga gusto ang environment dito. Wala manlang kasi ako makausap dito. Lahat sila tanders. Wala manlang ako makachikahan..lahat kasi sila straight. Wala pang babae. Hay ang boring.

Ewan ko. Bahala na. Compliant nalang siguro. Babaan ko nalang pride ko at maging humble. heheh

buhay pag-i'BI'g


2008 yung last serious relationship ko  na tumagal ng halos 1year and 2mos..at pagkaraan ng almost 1year na moving-on stage at nakaramdam na ko ng kasiyahan at kakuntentuhan sa buhay ng walang partner, ayun, gang ngayun 2011 ay single pa din. Wala naman na akong balak na magkajowa ulit dahil nag sink-in na kasi sa utak ko na sobrang bihira ang magkaron ng maayos na relationship lalo na sa mga bisexuals. Oo maaring meron tumatagal at umaabot ng years pero mas marami ata ay nauuwi lang sa wala ang lahat.

Ayoko na kasi maramdaman yung halos hindi na ko makakain, di ko pinapansin mga kaibigan ko, kasama sa bahay at pati sa opisina dahil ang gusto ko ay magsolo at magisa lang. Ang tanging gusto ko ay bumalik sya at maging kami ulit ng maging OK ulit ang buhay ko. Sa kanya uminog ang buhay ko at naramdaman ko din yung hindi ko kayang mabuhay kung wala sya. Pero hinde, hindi nangyari ang gusto ko. Kaya isang taon din ako bago makabangon, hindi makaget over. Yan ang pukinginang ayoko ng mangyari ulit. 1year and 2 mos + 1year na moving on, sabihin na nating 2years ang nawala sa buhay ko at hindi ko na maibabalik yun. Oo pinagsisihan ko at minahal ko sya pero wala na kong magagawa dahil ginusto ko yun...noon

Ngayon, masasabi kong natuto na ko. Marami akong natutunan at nalaman dahil sa past experiences ko. Mahirap talaga magmahal ng bi lalo na't sa social network, text clan, o kahit na referral lang ng bi frend mo or sa mga bar mo lang sya makikilala, as if naman kasi meron pang ibang choice kung pano ka makakahanap. Wala kang mapapala dahil karamihan dun ay makakati, puro sex lang, inom, meet new frends/fubu, basta walang kakuntentuhan sa buhay. Makakita lang ng gwapo or hot guy, forget na ang jowa at ready to landi na ulit. Paulit ulit na buhay ng mga bi. Kaya hindi talaga malabo na magkaron ng mga sexually transmitted disease...dahil sa kalandian at kalibugan.

So, mula ng breakup namin, wala akong ginawa kundi fling lang. Hindi ko alam, hindi ko na kasi feel ang mainlove. Nakakatakot na kasi masaktan muli. Hehe mahilig ako sa chubs, so chaser ako. Dedma ko ang mga wafu, hindi ko alam kung bakit yung iba ay makachat lang at makatext yung mga wafu e kinikilig na. Feel nila e magiging sila na. Feel ko namn kasi, wafu din ang hanap nun so walang lugar ang mga panget na katulad ko. Nakakapanlumo kasi ang mareject eh, many times na ko mareject ng mga wafu so dedma ko na sila ngayon. Wala nako pakelam sa kanila dahil choosy sila. Ok na sakin yung sakto lang..basta yummy. Hahaha

Planado na ang 2011 at 2012 ko until biglang dumating si "A".
Si A na nagbago ng lahat. Dedma ko lang sya sa fb dahil talaga namang wafu xa. Pero one time, wala ako magawa sa bahay, natempt ako na imessage sya sa fb, hanggang sa kinuha ko number nya na nakapost sa fb. Text dito text jan, the usual na nangyayari sa mga magtextmate. First meet namen, nagmotel kami agad. Pero di kami nagsex. Kwentuhan, kissing and lambingan ang jack off lang. No suck, no fuck. Cute xa, pero di ko feel na magiging kame.
Then,
A:so ano? Tayo na?
Me: kaw, kung gusto mo ba ko edi wala naman problema
A: so.. I love you?!
Me: uhmm.. Hehe love you.

Nakakatawa kase hindi ko pa naman talaga feel yung IloveYou that time, but i said it. Twice pa nga eh. Hehe nasabi ko lang siguro yun dahil crush ko sya at gusto ko pang may mangyari samin. So isa lang yun na way para mapasakin sya, para may next time pa..

Infatuation, yan lang talaga, walang love. MU, siguro ganung level lang talaga. But after 1 week, nagkita na naman kame sa isang cheap na bar somewhere in marikina. Pinakilala nya ko sa mga frends nya. Sabi ko. "syet, ibang level na to ah, bat nya ko pinakilala? Love ba nya talaga ako? Eh 1 week palang naman kami." pagkatapos ng gabi na yun, ewan ko, may nagbago. Mukang may nararamdaman na ko. Badtrip. Every weekend kami nagkikita, inom, videoke, bar sa marikina. Yan lagi ginagawa namin

So to make the long story short, nainlove ako sa kanya.

Alam ko naman past nya: malandi sya dati, sabi pa nya, everytime na ioopen nya yung account nya sa planet romeo ay hindi pwedeng wala syang makakameet/sex. Mahilig sya uminom, magbar, ayaw na nya mag aral at wala syang permanent na trabaho: on-call tour facilitator. So nag take talaga ko ng risk, alam kong delikado, alam ko at nararamdaman ko na baka masaktan lang ako dahil sa ugali nito pero minahal ko pa din. Sabi ko"bahala na, kung mahal ako nito, magbabago to, kung di naman sya magbago, edi ako mag aadjust para sa kanya"

A week before our 1st monthsary, eto na, lumalabas na ugali nya. Ang tamaaaad magtext. Or masasabi kong, iba kasi yung text namin nung hindi pa kami at yung naging kami na. Mejo dumalang ang text at usapan. Nakakapagtaka.
Lalu pa lumala nung magtu 2mos na kame. Mas lalo sya madalang magtext, kesyo busy sya, naglalaba, walang load.

Patay.
Mukang may something na. Iba na pakiramdam ko. May mali.

2nd monthsary namin, inaya ko sya magdate, para di hassle sa kanya ako na nag offer na punthan ko sya at magdate kami sa pinakamalapit na mall sa kanila. Sad to say, tumanggi sya. Tinatamad daw.

Nung sumunod na week naman, inaya ko sya na magsex, pero tinatamad na daw sya makipagsex, sawa na daw sya sa sex at pagod sya. Sa totoo lang, napakadalang namin magsex, at puro jack off lang kadalasan.

"2mos pa lang ganyan na sya, panu pa pagtumagal kayo?"
"bakit ganun sya? Sa fb sobrang proud sya sayo,pero in reality, wala syang kwenta, ang weird"
"i-break mo na yan, kung mahal ka nyan, hindi nya yan gagawin sayo, magtetext yan kahit busy sya"

Ilan lang yan sa mga sinasabi ng mga frends ko. Masakit. Sobrang sakit. Ngayun ko lang kasi nafeel yung binabalewala ako ng taong pinakamamahal ko.. Ngayun ko lang nafeel yung wala syang pakelam sakin, ngayun ko lang nafeel yung walang ka care care sakin.
Naisip ko baka karma sakin to. Kase may nakarelasyon ako last year, although 3mos lang kame, pero sa totoo lang, diko sya love. Hindi ko din feel makipagsex sa kanya, di ako tinitigasan, napipilitan lang ako. Kaya siguro nagdududa sya saken dati at hinuhuli pako sa text. Hanggang sa hindi na sya nagparamdam, after ilang months nagparamdam sya, nakikipabalikan, pero ayoko na. Hindi ko kasi talaga sya love pero love na love nya ko.so i think, eto na yung karma ko and I must face it. Lahat ng ginawa ko sa kanya, nararamdaman ko ngayun... Ako ang naghahabol ngayun kay A.

Gusto ko na makipagbreak kay A,hndi ko na kasi kaya. Sinabi ko na lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko sa kanya. Pero ang sabi nya, mahal na mahal nya ko, ayaw nya na mawala ako sa buhay nya, ayaw nya na maghiwalay kami...nagsorry sya. Inexplain nya ang side nya:
-hindi nya alam na ganun na pala yung nararamdaman ko, ganun na pala sya ka pabaya sakin
-nasanay kasi sya sa fling nya dati na madalang magtext, minsan lang magtext.
-sinabi nya na kaya dati madalas sya magtext nung di pa kami dahil may ugali sya na pag may gusto syang makuha, talagang gagawin nya ang lahat para makuha lang ang ninanais nya.
-inexplain nya kung anung klase ang work nya, kaya hindi na sya nakakapatext sakin,
-na mahina ang signal sa bahay nila kaya di xa nakakapagtext

To be fair, pinakinggan ko xa..at pinakinggan din nya ko. Inintindi ko nalang. Ok fine, nagkaayos kame.pero..

Anu na? Sana gumawa naman sya ng move. Natatamad na kasi ako na puro ako nalang..natatamad na din ako makipag inuman. Ayaw na ng tyan ko ng alak. Sana maiba naman. Nasasawa na ko sa ginagawa namen na puro nalang inuman every weekend. Sana mag effort naman sya.

Tatagal kaya kami? I dont know :(

....Basta ang alam ko, mahal na mahal ko sya, at mahal nya (daw) ako. :)

Biyernes, Oktubre 28, 2011

B

tagal na din pala bago ko makapagpost ng walang kwentang blog.
sobrang busy na din kasi sa work, and nakakatamad na din magblog.
pero this time, dahil madami akong oras at araw para magpetix, dahil 4days na walang pasok, eto makakapagblog na din sa wakas. namiss ko din to, namiss ko din magbasa ng blog ng mga ni-follow kong bloggers. hahaha

kagabe napanood ko yung movie na manay po, although second time ko na napanood yun. nakakatuwa kase.
haaay...mahirap mapabilang sa mundo na hindi ka tanggap sa lipunan.
and im talking about the gender. homosexual, transgender, shemale, lesbian, bisexual.
mga klase ng tao na nadidiscriminate dahil sa nasa maling katayuan sa buhay. hindi normal. may identity crisis.
and yes. im one of them. im a bisexual or gay for short.

uso na ata yan dito satin dahil sobrang dami na namin ngayon. hindi mo na maaidentitfy kung siya ba ay tunay na lalake o nagpapanggap lang. madami na din kasi ang discreet ngayun. ni kapiranggot na sign ay wala kang mapapansin pero deep inside ay bakla pala.

marami naman ng blog re sa ganyang topic so di ko na ielaborate.
but seriously, sobrang hirap ng katayuan namin compare sa mga straights.
tulad ko, hirap ako makibagay sa mag straight guys, lalo na ang trabaho ko ay pang macho.
masakit para sakin lalo na pag alam kong binubully ako. hindi ko din naman to ginusto, pero wala na akong magawa dahil ganito na ako. iba ang gusto ko. naiinlove sa kapwa ko. kadiri ba? well i dont care.