Mhin or pa-mhin? Hmmm..
Sobrang kontrobersyal ngayun ang hiwalan ni KC at Piolo.
Hindi ko na napanood yung interview ni boy abunda kay KC regarding sa breakup
nila pero nabasa ko naman sa yahoo yung article. Actually wala naman talaga
akong pakelam sa kanila pero the fact na sinabi ni KC na ''hindi nya(Piolo)
naibibigay yung basic na kailangan ng isang babae sa lalake, sa boyfrend..'',
nawindang ako dun.
So nun ako nagkainterest basahin ang buong article. So mejo
mapapuzzle ka sa sinabi ni KC. At boom! Bigla na naman sumabog ang issue sa
gender ni piolo. Ang daming nagcomment dun sa news na yun. kesyo:
*bakla si piolo at dapat ay umamin na sya sa publiko.
Tanggap naman daw kasi nila kung anu man ang gender nya basta wag na syang
magsinungaling sa publiko. Ouch!
Sorry KC, kase hindi para sayo tong blog na to. So kebs ka
muna jan. Hehe
ok gow...
Madami na akong naririnig, mga tsismis, mga paninira na si
Piolo nga daw ay isang bakla. Example nalang ay, Meron daw syang secret place
kung saan may imimeet syang mga bi at pipili sya ng matatypean nya. So bilang
isang bi na katulad ko, kung bi nga si piolo ay hindi nga naman malabong
mangyari yun. Dahil nga natural na malibog ang mga bi.. At gagawa talaga ng
paraan yan, makatikim lang ng laman. Yun ay kung si Piolo ay isa ngang bakla.
Wala naman akong pakelam kay Piolo kung sya man ay bakla or
straight, kase di naman kame close. Pero kung ako ang tatanungin, hindi kasi
ako agad naniniwala unless aminin nya opr may Makita ako na mga signs. Ang
sakin lang kase, feel ko lang, paninira lang kay piolo ung gender issue nya
(dati). Yun ay sa kadahilanan na sya ay:
*sikat
*madami ang insecure sa kanya kase gwapo naman talaga sya
*madaming bakla ang sobra kung pag pantasyahan sya, at the
fact na malabong mangyari na makasex nila si Piolo, e nag iilusyon nalang sila,
gumagawa ng kwento, hanggang maging tsismis.
Bakla nga ba talaga si papa P?
kamakailan lang may video na kumakalat kung saan nandoon si piolo.
Nanonood sila ng boxing, kasama si sam milby, yung mga staff and humabol pa si
angel locsin. May mga gestures si Piolo na may pagkamalambot eh, inulit pa nga
sa video. Nung napanood ko yun parang gay nga sya, at tingin ko alam yun ng mga
kasamahan nya sa showbiz pati na rin ng mga staffs. So napaisip ako na baka nga
totoo na bakla xa at ayaw lang nya talaga isapubliko. O well, Kayo nalang ang
humusga.
Kung bakla man sya, Malaking kasiraan sa kanya kung aamin
sya in public. maaapektuhan yung career, hanggang sa mawalan na ng projects at
wala ng magtitiwala na produkto na pwede nyang iendorse. Ikaw, Gusto mo ba
mawalan ng trabaho? Gusto mo ba hindi ka na irespeto ng mga tao? Dahil lang sa
pa gamin ng iyong tunay na pagkatao? Syempre hinde, may mga bagay talaga na
dapat panatilihing sikreto para narin sa ikauunlad mo, para sa ikabubuti mo.
Tulad ko, di ko parin maamin sa magulang ko at sa iba kong mga kaibigan.
Mahirap kasi e, hindi mo kasi pwedeng i-please silang lahat. Mahirap at talagang nakakastress ang katayuan
nya ngayon, lalo nat nahaharap sya sa isang hiwalayan. So goodluck nalang sayo
piolo kung pano mo didiskartehan yan. hehehe
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento