Lunes, Disyembre 12, 2011

MARCH


Dec 12, 2011
"Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad."


Nagdate kami kahapon ni A sa moa, palakad lakad lang, usap usap, tambay sa bay side ng moa. Kain ng kung ano maisipan. Sobrang saya ko na makasama ko sya kahit sandali lang. Sa pag upo namin sa sea wall sa bay side ng moa, napag usapan namin ang plano nyang pag abroad; sa Dubai. Isasama sya ng boss nya so on and so forth.
haha kitang kita ang basura

ayan si A. hindi yung nakablack, sya yung may hawak ng htc tattoo at kumukuha ng picture


Natuwa ako, kase at least nag iisip na sya para sa future nya. Alam ko naman para sa ikabubuti din nya yung mga binabalak nya at GO ako sa mga desisyon nya kaya naman di na ko nagdalawang isip pa. Sa March daw ang balak nya. Sabi ko, "good! Edi pag nasa Dubai kana, mag apply na din ako for singapore. So... Skype nalang tayo."

Maya maya ay nagpunta na kami sa foodcourt ng moa, at ilang sandali pa ay napagdesisyunan namin na pumunta sa mga frends ko sa pasig. Nastress kame sa byahe dahil nataon na may parada dun sa Pasig. Paskotitap.

Uminom kami, kwentuhan. Nung una ay nagkakahiyaan pa pero nung bandang huli ay feeling close na dahil narin siguro sa kalasingan. Napunta ang usapan sa pag abroad, at dun ko nalaman na may plano na din pala na mag abroad sila(joyce anne, iZang at joyce rose) sa japan. Napangiti nalang ako at dedma. Hindi na nila kasi ako sinama dahil alam naman nilang singapore ang target ko.

11.30 ng umuwi na kami ni babe (A). Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad. Kabaligtaran sa reaksyon ko kahapon, hindi ko alam bat biglang nabalot ng kalungkutan ang nadarama ko nang mga oras na yun kanina.

Wala pa naman kasiguraduhan ang pag abroad nya, pero naisip ko na dapat ay maging handa na ko sa kung anuman ang mangyayari.

"long distance relationship"...hindi ko ata kaya. :'( parang mahirap isipin na magkakahiwalay na kami ni A gayung bago pa lang kami. Hindi pa ganun kahinog kumbaga. Sobrang nalulumbay ako, kahit ipagpilitan ko na para din sa ikabubuti nya yon, hindi eh. Hindi pa dapat. Haaay. If ever matuloy sya sa march, almost 3mos nalang mula ngayun. Maaaring sobrang tagal pa pero anu nalang ba ang 90 days? Napakabilis lang nun lalo na paghinihintay, lalo na at alam mong may magaganap sa mga araw na yun.

Hinde.

Ayoko.


Hindi ko pa ata kaya.


Ayoko pa maghiwalay kami:
Panu kung may magkagusto sa kanya dun?
Panu kung yung nagkagusto sa kanya ay gawin lahat para lang makuha sya, sobrang sweet, loving, caring, etc? may tendency din kasi mafall inlove sya dun lalo nat nasa malayong lugar sya at wala syang ibang kasama kundi mga kapwa ofw na nandun sa bansang yun.
Pano ko maipaglalaban yung love ko kung malayo sya?
May tiwala naman ako sa kanya, pero posible din kasi mangyari mga naiisip ko.
Handa na ba ko sa ganun?
Kaya ko ba ang ganun?
*mga tanong na hindi ko pa masagot at ayokong sagutin ng "bahala na" :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento