Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Pinanganak akong happy: my 24+1 silverthday :)



''Special kasi para sakin ang birthday ko na to. Imagine, 25 years na kong nabubuhay.. Sobrang thankful ako kay God.''

ang blog na to ay tungkol lang sa sarili ko. Mga bagay na maaaring alam mo na, at maaaring hindi mo pa alam. Gusto ko lang ikwento, kaya walang pakelamanan. So kung hindi ka interesado saken e itigil mo na ang pagbabasa dahil:
a. Hindi ka makakarelate
b. Walang B, letter A lang.

Ok simulan ko na.

CHILDHOOD. Laking lola ako. Maka-inang.  Hehehe unang apo kasi eh. Anyways, nung elementary ata ang pinakamasayang stage ng buhay ko. Walang masyadong iniintindi, puro paglalaro ang nasa isip. Naghihintay lang magbell para makapgrecess at makapaglaro na kaagad. Naghihintay ng uwian para makapanood agad ng cartoons at ikukwento kinabukasan sa mga kklase.
Excited kumain sa jollibee.

-Walang responsibilidad,
-walang thesis,
-walang work load,
-walang stressful meetings,
-walang heartbreaks,
-walang nakakastress na moment,
-walang problema.

..go lang ng go ang buhay. Ganun lang kasimple ang buhay pag bata. Yun nga lang, WALANG PERA. Pero masaya.

SMILING FACE. Natatawa ako sa sarili ko pag sinasabihan ako ng ibang tao na smiling face ako. Kase totoo. May nakapagsabi nga sakin na, ''lagi ka nakasmile, siguro pinanganak kang happy''. Sino ba naman ang hindi makakasanayang ngumiti kung ang ipin mo ay nakausli/usngal? Kumbaga kahit hindi ka nakangiti e mukha pa rin nakangiti. Sabi nga dati ng kapatid ko, ''siguro laging masaya yung panaginip mo, kase lagi kang nakangiti pag tulog''. Syempre nakakapikon, pero wala akong magagawa dahil totoo. Hahaha

yang ipin ko talaga ang pinakamalaking problema ko nung bata pa ko (grade 4)gang college. Nakakahiya, pero wala akong magawa kase wala naman kaming pera pampabraces. Sobrang daming pagkakataon na napahiya ako, pinagtatawanan at inaasar dahil sa itsura ko. Tunay namang nakakawala ng self confidence. Isa na rin sa dahilan kung bakit zero ang aking love life that time. Madaming rejections kasi ako na naexperience. Sa sobrang bitter ko nun e tinapon ko na mga pics ko nung elementary. Ang chaka eh. Hehehe So sinabi ko sa sarili ko, ang una kong ipupundar pag nagkatrabaho na ko ay ipapaayos ko ang ipin ko. Pero hinde, kase ang una kong ipinundar ay ang cellphone. Ayan tuloy, nadelay ang braces ko, gang ngayun meron pa din naka-kabit.  :)

CHOOSY. sa tinagal tagal ko na nag aral, isa lang napatunayan ko sa sarili ko pagdating sa pakikisama: hindi ako friendly. Kabaliktaran saakin yung: pag marami kang kaibigan mas ok, mas madaming dadamay sayo lalo na pag may problema, madaming mag aadvice, handang tumulong at sumuporta through happy and sad moments of your life.

Ulul. Oo maaaring totoo yon pero di kasi ako naniniwala don. Hindi naman kasi lahat e bukal sa loob ang ginagawa. Hindi naman kasi lahat ng yun e talagang may pakielam sayo. At jan lumilitaw ang mga plastic at pakitang tao. So dahil yan ang pananaw ko, konti lang ang mga tunay na kaibigan ko at talaga namang mabibilang sa daliri ko kung ilan sila. Sila yung mga tipong subok na at kilala ko na buong pagkatao nila kaya wala na silang maitatago sa akin. Sila yung hindi nabobored saken. Pagkasi nabobored ka saken, ibig sabihin, hindi kita friend. Hehehe

PROMDI. Nakakatuwang isipin, hindi ko naman talaga pinangarap ni sumagi sa isip ko na sa manila ako mag-aaral ng college. pero sabi ng mama ko sayang naman daw yung educ.plan na binayaran nila kase sa manila schools karamihan pwede magamit yung plan. Wala naman ako magawa.
Excited na malungkot ang unang salta ko dito sa manila. Excited para sa bago at kakaibang buhay na maeexperience ko, at malungkot dahil nahohomesick ako. Dumating din sa point na gusto ko na magtransfer sa province ng skul pero dahil nga sayang yung educ.plan e, tiniis ko nalang.
Madami din time noon na namimiss ko mga clasmates ko, cla gelyn, ate joyce, izang, etc. Buti nalang at dito sa manila nag aral sila marj, laurence and ivy that time.

Sobrang babaw ko nun, dahil ang tanging nagbuboost na sipagin ako pumasok sa skul ay ang LRT. Oo, LRT. Hahaha twing maiisip ko na 'syet, sasakay na naman ako ng LRT' ay naeexcite ako pumasok. Hindi ko alam kung baket..masyado lang ata ako naiinusentihan sa tren.

Dahil nga bagong salta ko, e inalam ko ang pasikot sikot sa manila. Mga daan, na pwede kong daanan para makauwi ng pasay. Mahirap na, ayokong maligaw eh.

ARCHITECT. 4th year highschool na ko noon pero hindi ko parin talaga mapagdesisyunan kung ano ba talaga ang kukunin kong kurso. Hindi ko din alam nung time na yun na uso pala ang nursing na course. May mga naririnig ako na maganda daw comsci, it, or kung anu pa man na related sa computer, e that time wala naman akong hilig magcomputer and its a hell fucking device dahil hindi ko xa alam gamitin noon. So ekis ko na yun.

One time, nagpaassignment or project ata yung teacher namen, di ko na alam kung anung subject basta nirequire yung grupo namin na magsubmit ng floor plan ng mini library ata. Buti nalang at kagrupo ko si cathy, dahil meron xang tito na architect so dun kami nagpasketch. Nung nakita ko yung drawing naisip ko, xet... Gusto ko matuto nito.
Kaya naman BS architecture ang chinekan ko sa 1st choice nung nag entrance exam ako sa feu. 2nd choice educ. (actually, elem.educ talaga gusto ko nun)

nakapasok na ko't lahat ng college pero feel ko di ko parin feel ang architecture. Ang daming beses ko ng sinabi na.. Sana nag nursing nalang ako (sikat ksi nursing nun). Naiinggit ako that time, magshift na sana ko kaya lang ang daming consequences. Saka hindi talaga ko pwede magshift dahil bagsak ako sa height requirement. Hahaha wawa.

Kaya nagpray nalang ako na kung para sakin talaga ang architecture, sige, go nalang ako Lord kung ito ang will nyo. Kayo nalang bahala sakin. inenjoy ko nalang, tiniis kahit mahirap. At nagbunga naman ng maganda.

WORK. Unang trabaho ko dinala agad ako sa laguna, tapos subic, tapos laguna ulit. Sobrang hirap, sobrang nakakapagod, sobrang nakakainip, sobrang nakakalungkot. Cad operator lang naman ako at fucking minimum lang sweldo ko. Tiniis ko talaga ang 6 fucking months dun sa company na yun para may experience ako na mailagay sa resume kahit papaano.

2nd job ko is ok naman na mejo hindi rin. Ok kase madami akong natutunan at tumagal ako ng halos 2yrs na din. Mejo hindi dahil may nakaaway akong client namin. Hahah

3rd and present job ko ay sikreto muna.amen. Clue: ahihihihihi wag na nga lang.

SILVER. OA lang, masyado lang akong natutuwa dahil 25 na ko. Special kasi para sakin ang birthday ko na to. Imagine, 25 years na kong nabubuhay.. Sobrang thankful ako kay God. Eto na kasi yung kasagutan sa question nung highschool pa ko sa subject na RHGP, na 'how do u see urself 10 years from now!?'. Eto na yun. Nakatapos na ko ng pag aaral, titulado at may stable job. Actually, yan din naman nilagay kong sagot dati eh. Gasgas na nga yan eh, may maisagot lang ako nun. Hahaha hindi naman yang question na yan ang naging guide ko para maachieve ang goal ko sa buhay. It is God, who guide and bless and love me all the time.

FUN FACTS.
-Nung grade 2 ako, isang umaga noon, flag ceremony, papunta na ko sa court para humilera ng bigla akong natisod at nasubasob ang mukha ko sa labak na maitim(canal). Pukingina, swak na swak yung mukha ko, at mukha ko lang talaga.yung damit ko at shorts ay malinis.tangina di ba?
-najebs ako nung grade 1. Take note, super secret ko ito. Walang nakakaalam. Umarte nalang ako na sobrang sakit ng tyan ko kaya pinauwi na ko. Buti nalang at walang tumagas sa binti ko at hindi pa masyadong nangamoy. Hahaha
-sa kagustuhan kong manalo as senator nung highschool pa ko, e inimpersonate ko pa si gloria para lang makuha ko attention ng mga studyante. O gago, nanalo ako. At ako ang may pinakamaraming boto nun, natalo ko pa yung president.
-excited ako palagi pag december dahil may xmas party at physical fitness at magbabaon ako ng corned beef. Pangarap kong maging leader noon, pero hindi ako nagtagumpay.
-minsan, pinaattend kami ng prusisyon(highschool), sa sobrang excitement ko e masyado akong magaslaw, ayun, di ko alam na paparating na pala yung pari at saktong paglapit nya ay pinukpok ng malaking kandila ulo ko. Pahiya ako ng buong prusisyon. Hahaha
-pumasok kami ni gelyn isang umaga, naka CAT uniform, pagdating sa school, wala naman palang pasok. Nung pag uwi namin, nung bababa na ko sa tricycle, nasubsob ako sa lupa. Hindi ko alam kung panu ako nasubsob. Grabe nakakahiya.
-basta magkatabi kami ni gelyn sa classroom, bungisngisan na walang katapusan.
-ninakaw ko yung panyo ni marj. Hehehe
-sumali ako nung elementary sa jamboree sa palayan city. 5days yun e, 4days naman akong nilagnat.
-sumali ako ng poster making sa school namen nung 2ndyr highschool. Maganda yung gawa ko, kaya lang nung dinedefend ko na, may nagtanaong. Hindi ko nasagot, natalo ako. Hahah
-nanalo ako dati as cartoonist nung 3rd year ako. Division level na ata yun, buong nueva ecija. Nagparinig ako, sana may banner naman tayo(mga kasamang nanalo). After 1week, may banner naman, nilagay pa kami sa headline ng newspaper namen. Nilagay yung super smile kong picture. Puta.
-laging pagsubok ang pagpasok ko tuwing tanghali sa school nung elemntary pa ko. Suki na kasi ako ng aso nila ate fe, lagi akong hinahabol.
-naging favorite din ako ni mam oamil nung 3rd yearHS. Puro 97 grade ko sa filipino. Di ko alam kung baket.daming naiinis saken. Hahaha
-bumili ako ng zagu. Ate, pabili po ng krim brulee. Sabi ni ate, aaah krem brulei. Pahiya ako. Tanging tina at foch di mkamoveon.
-nilunok ko yung advil. Wala kasi akong pambili ng mineral water noon.


WISH. Wish ko?
-To live 25x2 more years. Syempre dapat good ang health.
-manalo ako sa lotto ng 150million
-tumangkad ako ng 5inches
-sana kami na talaga ni “A”.forever!:)
-matuloy na sana ko sa SG



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento