Linggo, Mayo 13, 2012

babe day everyday

Masaya ako sa lovelife ko. Yan ang gusto ko ipagmalaki sa lahat. Khit ganito lang ako e may healthy lovelife naman ako. Nakakatuwang isipin na mag8months na kame ni babe. Dami na namin napagdaanan lalung lalu na nung una una palang kami. Sobrang gusto ko na talagang mag give up that time, buti nalang mapagpasensya ako.

Nung una kong marinig ang i love you sa babe ko, isa lang ang pumasok na salita sa utak ko, 'forever'
ayoko ng isipin na magkakahiwalay pa kame, basta ang gusto ko, kami na talaga habambuhay. Siguro ito na rin reason kung bakit di ko na naaalala minsan ung monthsary namin, dhil para sakin, formality nalang un. Ang totoong nagmamahalan ay timeless, endless, for good.

Madalang lang kami magdate ng babe ko, palagi naman kasi kami magkasama weekly, walang palya. Gusto ko kasi makasama sya every rest day ko. Sobrang natutuwa ako lalo na pag magkasama kami sa bahay dahil todo alaga ang ginagawa ng babe ko. As in super naaapreciate ko un. Para kaming buhay mag asawa na talaga.

Minsan nagdate kami sa megamall, di ko alam para bang napakasaya ko talaga at nakasama ko sya ng araw na un. Oo ako gumastos, pero di ko na naisip kung malaki ba nagastos ko o hndi,kase naman, priceless ung moment namin na un.

Sana kami na talaga forever! Nakakatuwa lang isipin na after ng worse relationship ko sa ex ko way back 2008, eto pala ang magiging kapalit. Hehehe




the cellphone thing

Kakabukas ko lang kanina ng gsmarena.com. Itong site na to ang isa sa favorite kong bisitahin dahil puro about celphones ang news at blogs dito. Sa totoo lang e mahilig talaga ko sa cp. Kaya naman lagi ako updated sa mga in and latest phones. Ewan ko ba at wala akong kasawa sawa magbasa ng mga reviews and comments, lalu na sa mga pinoy techsites na kung saan naaaliw ako magbasa ng mga nantitrip mang asar sa mga comments section. Minsan pa nga pati mismong may ari ng website e tinitira. Lol

mula ng lumabas ang 5110 ay dun na rin nagsimula pagkahilig ko sa cp. Highschool pa ako nung una ko magka5110 at nagupgrade sa super3310 at maistock na sa unit na yun gang college. Lol. Kung di pa nagpalit tita ko ng cp, di ako makakapagpalit ng jurassic na 3310. Naging 8250, sabi nga sa commercial, 'walk on the blue side'..gang naging 6610i.

Nakakatuwang isipin na super inggit ako sa mga college friends at clasmates ko nun dahil talaga naman laging latest ang phones nila. E super yaman naman kasi nila. Ang lalaki pa ng baon nila kaya kung gugugstuhin nila mag ipon e kayang kaya.

Malayo na nga ang pinagkaiba ng cellphone 10 years ako. Naalala ko pa nung bumili ako ng se cybershot k810i.. Syempre astig, kase 3mp at hello?! Cybershot kaya yun.yun yung mga time na sikat palang ang feature phones. ngaun naman ay panahon na ng smartphones, may os na ang mga phones.may wifi, 3g/4g, supercamera, integrated with social network sites, touchscreen, bsta, lahat na!

Kelan lang ay nirelease na ang most anticipated superphone samsung galaxy s3. Grabe specs nito, quadcore!so mukhang ito na ata ang halimaw ng mga cellphones to date.

Iphone ang pinakasikat ng smartphone ngayun powered by ios of apple. Sobrang mahal nito compared sa mga kakompetensya nito. Masasabi kong ibang level ang touchscreen technology at smoothness ng uing iphone. Sa ngayun, kahit mahal tong cp na to e pilit parin naaafford ng mga pilipino. Syempre pamporma lang, pang show off, creditcard lang naman, tapos makikita mo sa jeep lang naman sasakay.hehehe

Android os powered by google ang isa din sa mga leading mobile os ngayun. Open kasi ito sa lahat ng mobile manufacturer. Kya naman halos lahat na nga phones ngyun ay android na ang os maliban sa nokia at iphone. Sobrang dami ng apps, sobrang dami din ng pwede mo macustomize. User friendly sa iba lalo na sa mga tech geeks, sa iba nman ay sakit ng ulo. Madaming highend phones ang android at madami din low end gaya ng galaxy y. Kaya naman nagiging jologs na din tong os na to.

Blackberry by rim. Ito na ata ng phone ng mga super social climber. Wala akong masyadong masabi dito dahil d pa ko nakakgamit nito pero base sa ibang friend ko, ok naman daw to. Mahal ngalang, at kelangan pang gamitin ang bbservices para magamit ng full ang features ng phone n to.

Symbian, minsan ng nging pang masa, pero unti unti nang naoobsolete dahil sa hindi nito kayang tapatang ang android at ios in many ways, especially ang mga apps. Pero nitong feb 2012 ay nirelease na ng symbian ang nokia belle os. Ang pinakalatest update sa symbian. Actually ito ang pinaka the best na update dahil nabago totally ang ui nito at talaga naman naging smooth ang paggamit. User friendly pa. In terms of apps, mejo dumadami na din laman ng nokia store pero d parin talaga kayang tapatan ang android at ios, but, everything functional apps na need mo sa isang cp ay nandun naman na sa nokia store, except sa mga fancy apps. Actually ang mga magagandang apps para sa nokia ay nagkalat lang sa net. Nanjan ang nokiavnn.com, e7funclub.com etc.Hindi na rin ito ganong nalalayo sa ios and android, yun nga lang, its too late for nokia ang pag update nila. Sana 2years before pa nila ito nairelease para natapatan nila and ios at android ngayun. Halos karamihan na ng gumagamit ng symbian dati ay nagswitch na sa ios or android. Actually, nokia belle os ang gamit ko ngayun and i could say, maganda naman talaga tong os na to, perfect for e7.fast, smooth, responsive, pati webbrowsing ay ok though madalang ko lang gamitin pag browse dahil pc tlaga gamit ko.

Windows phone. D pa ko nakakagamit nito, sabi ng iba smooth daw to and no lags! Kaya lang same with iphone na zune dependent daw to. But i think ito na ang next phone ko and im eyeing for nokia lumia 800. Gusto ko lang itry, mukang maganda eh.

Meego, nokia n9 lang ata meron nito, actually gusto ko din nito, astig yung swiping chuvaness nito enh, wala pang hardware keys sa front. Halos hawig sya sa symbian pero mas ok ata ito. Gusto ko design nito like lumia 800.

Iba na talaga ngayun, parang pc na ang level ng mga phones. Anyway, sa dami ng os na pagpipilian, ang masasabi ko lang, kanya kanya taste lang yan. Depende sa needs talaga. Basta ko, im satisfied dito sa e7 belle ko..ok sakin to. :)

enjoying the keyboard of my nokia e7-00. love the hardware keyboard. hopefully meron pa gumawa nito in the future

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Pinanganak akong happy: my 24+1 silverthday :)



''Special kasi para sakin ang birthday ko na to. Imagine, 25 years na kong nabubuhay.. Sobrang thankful ako kay God.''

ang blog na to ay tungkol lang sa sarili ko. Mga bagay na maaaring alam mo na, at maaaring hindi mo pa alam. Gusto ko lang ikwento, kaya walang pakelamanan. So kung hindi ka interesado saken e itigil mo na ang pagbabasa dahil:
a. Hindi ka makakarelate
b. Walang B, letter A lang.

Ok simulan ko na.

CHILDHOOD. Laking lola ako. Maka-inang.  Hehehe unang apo kasi eh. Anyways, nung elementary ata ang pinakamasayang stage ng buhay ko. Walang masyadong iniintindi, puro paglalaro ang nasa isip. Naghihintay lang magbell para makapgrecess at makapaglaro na kaagad. Naghihintay ng uwian para makapanood agad ng cartoons at ikukwento kinabukasan sa mga kklase.
Excited kumain sa jollibee.

-Walang responsibilidad,
-walang thesis,
-walang work load,
-walang stressful meetings,
-walang heartbreaks,
-walang nakakastress na moment,
-walang problema.

..go lang ng go ang buhay. Ganun lang kasimple ang buhay pag bata. Yun nga lang, WALANG PERA. Pero masaya.

SMILING FACE. Natatawa ako sa sarili ko pag sinasabihan ako ng ibang tao na smiling face ako. Kase totoo. May nakapagsabi nga sakin na, ''lagi ka nakasmile, siguro pinanganak kang happy''. Sino ba naman ang hindi makakasanayang ngumiti kung ang ipin mo ay nakausli/usngal? Kumbaga kahit hindi ka nakangiti e mukha pa rin nakangiti. Sabi nga dati ng kapatid ko, ''siguro laging masaya yung panaginip mo, kase lagi kang nakangiti pag tulog''. Syempre nakakapikon, pero wala akong magagawa dahil totoo. Hahaha

yang ipin ko talaga ang pinakamalaking problema ko nung bata pa ko (grade 4)gang college. Nakakahiya, pero wala akong magawa kase wala naman kaming pera pampabraces. Sobrang daming pagkakataon na napahiya ako, pinagtatawanan at inaasar dahil sa itsura ko. Tunay namang nakakawala ng self confidence. Isa na rin sa dahilan kung bakit zero ang aking love life that time. Madaming rejections kasi ako na naexperience. Sa sobrang bitter ko nun e tinapon ko na mga pics ko nung elementary. Ang chaka eh. Hehehe So sinabi ko sa sarili ko, ang una kong ipupundar pag nagkatrabaho na ko ay ipapaayos ko ang ipin ko. Pero hinde, kase ang una kong ipinundar ay ang cellphone. Ayan tuloy, nadelay ang braces ko, gang ngayun meron pa din naka-kabit.  :)

CHOOSY. sa tinagal tagal ko na nag aral, isa lang napatunayan ko sa sarili ko pagdating sa pakikisama: hindi ako friendly. Kabaliktaran saakin yung: pag marami kang kaibigan mas ok, mas madaming dadamay sayo lalo na pag may problema, madaming mag aadvice, handang tumulong at sumuporta through happy and sad moments of your life.

Ulul. Oo maaaring totoo yon pero di kasi ako naniniwala don. Hindi naman kasi lahat e bukal sa loob ang ginagawa. Hindi naman kasi lahat ng yun e talagang may pakielam sayo. At jan lumilitaw ang mga plastic at pakitang tao. So dahil yan ang pananaw ko, konti lang ang mga tunay na kaibigan ko at talaga namang mabibilang sa daliri ko kung ilan sila. Sila yung mga tipong subok na at kilala ko na buong pagkatao nila kaya wala na silang maitatago sa akin. Sila yung hindi nabobored saken. Pagkasi nabobored ka saken, ibig sabihin, hindi kita friend. Hehehe

PROMDI. Nakakatuwang isipin, hindi ko naman talaga pinangarap ni sumagi sa isip ko na sa manila ako mag-aaral ng college. pero sabi ng mama ko sayang naman daw yung educ.plan na binayaran nila kase sa manila schools karamihan pwede magamit yung plan. Wala naman ako magawa.
Excited na malungkot ang unang salta ko dito sa manila. Excited para sa bago at kakaibang buhay na maeexperience ko, at malungkot dahil nahohomesick ako. Dumating din sa point na gusto ko na magtransfer sa province ng skul pero dahil nga sayang yung educ.plan e, tiniis ko nalang.
Madami din time noon na namimiss ko mga clasmates ko, cla gelyn, ate joyce, izang, etc. Buti nalang at dito sa manila nag aral sila marj, laurence and ivy that time.

Sobrang babaw ko nun, dahil ang tanging nagbuboost na sipagin ako pumasok sa skul ay ang LRT. Oo, LRT. Hahaha twing maiisip ko na 'syet, sasakay na naman ako ng LRT' ay naeexcite ako pumasok. Hindi ko alam kung baket..masyado lang ata ako naiinusentihan sa tren.

Dahil nga bagong salta ko, e inalam ko ang pasikot sikot sa manila. Mga daan, na pwede kong daanan para makauwi ng pasay. Mahirap na, ayokong maligaw eh.

ARCHITECT. 4th year highschool na ko noon pero hindi ko parin talaga mapagdesisyunan kung ano ba talaga ang kukunin kong kurso. Hindi ko din alam nung time na yun na uso pala ang nursing na course. May mga naririnig ako na maganda daw comsci, it, or kung anu pa man na related sa computer, e that time wala naman akong hilig magcomputer and its a hell fucking device dahil hindi ko xa alam gamitin noon. So ekis ko na yun.

One time, nagpaassignment or project ata yung teacher namen, di ko na alam kung anung subject basta nirequire yung grupo namin na magsubmit ng floor plan ng mini library ata. Buti nalang at kagrupo ko si cathy, dahil meron xang tito na architect so dun kami nagpasketch. Nung nakita ko yung drawing naisip ko, xet... Gusto ko matuto nito.
Kaya naman BS architecture ang chinekan ko sa 1st choice nung nag entrance exam ako sa feu. 2nd choice educ. (actually, elem.educ talaga gusto ko nun)

nakapasok na ko't lahat ng college pero feel ko di ko parin feel ang architecture. Ang daming beses ko ng sinabi na.. Sana nag nursing nalang ako (sikat ksi nursing nun). Naiinggit ako that time, magshift na sana ko kaya lang ang daming consequences. Saka hindi talaga ko pwede magshift dahil bagsak ako sa height requirement. Hahaha wawa.

Kaya nagpray nalang ako na kung para sakin talaga ang architecture, sige, go nalang ako Lord kung ito ang will nyo. Kayo nalang bahala sakin. inenjoy ko nalang, tiniis kahit mahirap. At nagbunga naman ng maganda.

WORK. Unang trabaho ko dinala agad ako sa laguna, tapos subic, tapos laguna ulit. Sobrang hirap, sobrang nakakapagod, sobrang nakakainip, sobrang nakakalungkot. Cad operator lang naman ako at fucking minimum lang sweldo ko. Tiniis ko talaga ang 6 fucking months dun sa company na yun para may experience ako na mailagay sa resume kahit papaano.

2nd job ko is ok naman na mejo hindi rin. Ok kase madami akong natutunan at tumagal ako ng halos 2yrs na din. Mejo hindi dahil may nakaaway akong client namin. Hahah

3rd and present job ko ay sikreto muna.amen. Clue: ahihihihihi wag na nga lang.

SILVER. OA lang, masyado lang akong natutuwa dahil 25 na ko. Special kasi para sakin ang birthday ko na to. Imagine, 25 years na kong nabubuhay.. Sobrang thankful ako kay God. Eto na kasi yung kasagutan sa question nung highschool pa ko sa subject na RHGP, na 'how do u see urself 10 years from now!?'. Eto na yun. Nakatapos na ko ng pag aaral, titulado at may stable job. Actually, yan din naman nilagay kong sagot dati eh. Gasgas na nga yan eh, may maisagot lang ako nun. Hahaha hindi naman yang question na yan ang naging guide ko para maachieve ang goal ko sa buhay. It is God, who guide and bless and love me all the time.

FUN FACTS.
-Nung grade 2 ako, isang umaga noon, flag ceremony, papunta na ko sa court para humilera ng bigla akong natisod at nasubasob ang mukha ko sa labak na maitim(canal). Pukingina, swak na swak yung mukha ko, at mukha ko lang talaga.yung damit ko at shorts ay malinis.tangina di ba?
-najebs ako nung grade 1. Take note, super secret ko ito. Walang nakakaalam. Umarte nalang ako na sobrang sakit ng tyan ko kaya pinauwi na ko. Buti nalang at walang tumagas sa binti ko at hindi pa masyadong nangamoy. Hahaha
-sa kagustuhan kong manalo as senator nung highschool pa ko, e inimpersonate ko pa si gloria para lang makuha ko attention ng mga studyante. O gago, nanalo ako. At ako ang may pinakamaraming boto nun, natalo ko pa yung president.
-excited ako palagi pag december dahil may xmas party at physical fitness at magbabaon ako ng corned beef. Pangarap kong maging leader noon, pero hindi ako nagtagumpay.
-minsan, pinaattend kami ng prusisyon(highschool), sa sobrang excitement ko e masyado akong magaslaw, ayun, di ko alam na paparating na pala yung pari at saktong paglapit nya ay pinukpok ng malaking kandila ulo ko. Pahiya ako ng buong prusisyon. Hahaha
-pumasok kami ni gelyn isang umaga, naka CAT uniform, pagdating sa school, wala naman palang pasok. Nung pag uwi namin, nung bababa na ko sa tricycle, nasubsob ako sa lupa. Hindi ko alam kung panu ako nasubsob. Grabe nakakahiya.
-basta magkatabi kami ni gelyn sa classroom, bungisngisan na walang katapusan.
-ninakaw ko yung panyo ni marj. Hehehe
-sumali ako nung elementary sa jamboree sa palayan city. 5days yun e, 4days naman akong nilagnat.
-sumali ako ng poster making sa school namen nung 2ndyr highschool. Maganda yung gawa ko, kaya lang nung dinedefend ko na, may nagtanaong. Hindi ko nasagot, natalo ako. Hahah
-nanalo ako dati as cartoonist nung 3rd year ako. Division level na ata yun, buong nueva ecija. Nagparinig ako, sana may banner naman tayo(mga kasamang nanalo). After 1week, may banner naman, nilagay pa kami sa headline ng newspaper namen. Nilagay yung super smile kong picture. Puta.
-laging pagsubok ang pagpasok ko tuwing tanghali sa school nung elemntary pa ko. Suki na kasi ako ng aso nila ate fe, lagi akong hinahabol.
-naging favorite din ako ni mam oamil nung 3rd yearHS. Puro 97 grade ko sa filipino. Di ko alam kung baket.daming naiinis saken. Hahaha
-bumili ako ng zagu. Ate, pabili po ng krim brulee. Sabi ni ate, aaah krem brulei. Pahiya ako. Tanging tina at foch di mkamoveon.
-nilunok ko yung advil. Wala kasi akong pambili ng mineral water noon.


WISH. Wish ko?
-To live 25x2 more years. Syempre dapat good ang health.
-manalo ako sa lotto ng 150million
-tumangkad ako ng 5inches
-sana kami na talaga ni “A”.forever!:)
-matuloy na sana ko sa SG



Miyerkules, Disyembre 21, 2011

V for victory!


December 18, 2011

Super excited ako na magchurch last Sunday dahil opening ng new victory church sa Robinsons pioneer. Im expecting something new design, new environment, and how the designer provide a solution to the overcrowding problem. My excitement never fails me. My overall impression to the new church was great! The design is refreshing, the tangerine accent walls with different shades and the gray color of the wall gives me a modern and youthful feeling. Moreover, what really amazed me most is the big LED big screen. Susyaaaaal. Anlupet. Hi-tech. Parang nanonood ako ng ASAP live. Ang ganda pa ng sound system. The ceiling looks ok lang, since they adopt it to the previous design and i think theres something with the dropped square thing, maybe it is for an acoustical concern. But anyway, i love the high ceiling.



Syempre dahil first time, dun ako sa gitna (biglang tagalog?) hahah. Ang medyo nabadtrip lang ako e dun sa lighting effects, yung gumagalaw (see picture #4 below). Masyadong nakakasilaw lalo na pag dun ka sa gitna nakaupo at natutok sa mata mo yung ilaw. Mejo nabadtrip ako, pero mejo lang kase masakit ulo ko that time and lalo pa sumakit dahil sa lighting etc. 




Nakaktuwa lang, because victory is putting so much effort to induce people. Yun ang paraan nila para maspread ang word of God, in a cool, and not boring way. Ang galing! They are doing all of it for God, for the love of God. Sana mapuno pa yun ng tao every Sunday, everytime na may event. 

Syempre di lang naman yung design ang pinunta ko dun kundi pati narin yung topic nila re the colors of christmas.; green for the life, red is for the blood shed of christ para maforgive ang sangkatauhan and gold which symbolizes that Jesus is a King. Ayokona ielaborate, di kaya ng powers ko. Hehehe.

Sana maisama ko din si A, yung kapatid ko, mga tita at parents na din sa victory someday. Pero mukhang pahirapan to. Challenge!heheh

Lunes, Disyembre 12, 2011

MARCH


Dec 12, 2011
"Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad."


Nagdate kami kahapon ni A sa moa, palakad lakad lang, usap usap, tambay sa bay side ng moa. Kain ng kung ano maisipan. Sobrang saya ko na makasama ko sya kahit sandali lang. Sa pag upo namin sa sea wall sa bay side ng moa, napag usapan namin ang plano nyang pag abroad; sa Dubai. Isasama sya ng boss nya so on and so forth.
haha kitang kita ang basura

ayan si A. hindi yung nakablack, sya yung may hawak ng htc tattoo at kumukuha ng picture


Natuwa ako, kase at least nag iisip na sya para sa future nya. Alam ko naman para sa ikabubuti din nya yung mga binabalak nya at GO ako sa mga desisyon nya kaya naman di na ko nagdalawang isip pa. Sa March daw ang balak nya. Sabi ko, "good! Edi pag nasa Dubai kana, mag apply na din ako for singapore. So... Skype nalang tayo."

Maya maya ay nagpunta na kami sa foodcourt ng moa, at ilang sandali pa ay napagdesisyunan namin na pumunta sa mga frends ko sa pasig. Nastress kame sa byahe dahil nataon na may parada dun sa Pasig. Paskotitap.

Uminom kami, kwentuhan. Nung una ay nagkakahiyaan pa pero nung bandang huli ay feeling close na dahil narin siguro sa kalasingan. Napunta ang usapan sa pag abroad, at dun ko nalaman na may plano na din pala na mag abroad sila(joyce anne, iZang at joyce rose) sa japan. Napangiti nalang ako at dedma. Hindi na nila kasi ako sinama dahil alam naman nilang singapore ang target ko.

11.30 ng umuwi na kami ni babe (A). Nalungkot ako bigla ng magising ako kaninang umaga. Bigla ko kasi naalala si A at ang plano nyang pag abroad. Kabaligtaran sa reaksyon ko kahapon, hindi ko alam bat biglang nabalot ng kalungkutan ang nadarama ko nang mga oras na yun kanina.

Wala pa naman kasiguraduhan ang pag abroad nya, pero naisip ko na dapat ay maging handa na ko sa kung anuman ang mangyayari.

"long distance relationship"...hindi ko ata kaya. :'( parang mahirap isipin na magkakahiwalay na kami ni A gayung bago pa lang kami. Hindi pa ganun kahinog kumbaga. Sobrang nalulumbay ako, kahit ipagpilitan ko na para din sa ikabubuti nya yon, hindi eh. Hindi pa dapat. Haaay. If ever matuloy sya sa march, almost 3mos nalang mula ngayun. Maaaring sobrang tagal pa pero anu nalang ba ang 90 days? Napakabilis lang nun lalo na paghinihintay, lalo na at alam mong may magaganap sa mga araw na yun.

Hinde.

Ayoko.


Hindi ko pa ata kaya.


Ayoko pa maghiwalay kami:
Panu kung may magkagusto sa kanya dun?
Panu kung yung nagkagusto sa kanya ay gawin lahat para lang makuha sya, sobrang sweet, loving, caring, etc? may tendency din kasi mafall inlove sya dun lalo nat nasa malayong lugar sya at wala syang ibang kasama kundi mga kapwa ofw na nandun sa bansang yun.
Pano ko maipaglalaban yung love ko kung malayo sya?
May tiwala naman ako sa kanya, pero posible din kasi mangyari mga naiisip ko.
Handa na ba ko sa ganun?
Kaya ko ba ang ganun?
*mga tanong na hindi ko pa masagot at ayokong sagutin ng "bahala na" :(

papa P


Mhin or pa-mhin? Hmmm..

Sobrang kontrobersyal ngayun ang hiwalan ni KC at Piolo. Hindi ko na napanood yung interview ni boy abunda kay KC regarding sa breakup nila pero nabasa ko naman sa yahoo yung article. Actually wala naman talaga akong pakelam sa kanila pero the fact na sinabi ni KC na ''hindi nya(Piolo) naibibigay yung basic na kailangan ng isang babae sa lalake, sa boyfrend..'', nawindang ako dun.

So nun ako nagkainterest basahin ang buong article. So mejo mapapuzzle ka sa sinabi ni KC. At boom! Bigla na naman sumabog ang issue sa gender ni piolo. Ang daming nagcomment dun sa news na yun. kesyo:
*bakla si piolo at dapat ay umamin na sya sa publiko. Tanggap naman daw kasi nila kung anu man ang gender nya basta wag na syang magsinungaling sa publiko. Ouch!

Sorry KC, kase hindi para sayo tong blog na to. So kebs ka muna jan. Hehe 

ok gow...
Madami na akong naririnig, mga tsismis, mga paninira na si Piolo nga daw ay isang bakla. Example nalang ay, Meron daw syang secret place kung saan may imimeet syang mga bi at pipili sya ng matatypean nya. So bilang isang bi na katulad ko, kung bi nga si piolo ay hindi nga naman malabong mangyari yun. Dahil nga natural na malibog ang mga bi.. At gagawa talaga ng paraan yan, makatikim lang ng laman. Yun ay kung si Piolo ay isa ngang bakla.

Wala naman akong pakelam kay Piolo kung sya man ay bakla or straight, kase di naman kame close. Pero kung ako ang tatanungin, hindi kasi ako agad naniniwala unless aminin nya opr may Makita ako na mga signs. Ang sakin lang kase, feel ko lang, paninira lang kay piolo ung gender issue nya (dati). Yun ay sa kadahilanan na sya ay:
*sikat
*madami ang insecure sa kanya kase gwapo naman talaga sya
*madaming bakla ang sobra kung pag pantasyahan sya, at the fact na malabong mangyari na makasex nila si Piolo, e nag iilusyon nalang sila, gumagawa ng kwento, hanggang maging tsismis.

Bakla nga ba talaga si papa P?
kamakailan lang may  video na kumakalat kung saan nandoon si piolo. Nanonood sila ng boxing, kasama si sam milby, yung mga staff and humabol pa si angel locsin. May mga gestures si Piolo na may pagkamalambot eh, inulit pa nga sa video. Nung napanood ko yun parang gay nga sya, at tingin ko alam yun ng mga kasamahan nya sa showbiz pati na rin ng mga staffs. So napaisip ako na baka nga totoo na bakla xa at ayaw lang nya talaga isapubliko. O well, Kayo nalang ang humusga.

 
Kung bakla man sya, Malaking kasiraan sa kanya kung aamin sya in public. maaapektuhan yung career, hanggang sa mawalan na ng projects at wala ng magtitiwala na produkto na pwede nyang iendorse. Ikaw, Gusto mo ba mawalan ng trabaho? Gusto mo ba hindi ka na irespeto ng mga tao? Dahil lang sa pa gamin ng iyong tunay na pagkatao? Syempre hinde, may mga bagay talaga na dapat panatilihing sikreto para narin sa ikauunlad mo, para sa ikabubuti mo. Tulad ko, di ko parin maamin sa magulang ko at sa iba kong mga kaibigan. Mahirap kasi e, hindi mo kasi pwedeng i-please silang lahat.  Mahirap at talagang nakakastress ang katayuan nya ngayon, lalo nat nahaharap sya sa isang hiwalayan. So goodluck nalang sayo piolo kung pano mo didiskartehan yan. hehehe



Huwebes, Disyembre 1, 2011

90's


Ito ang childhood days ko. From kinder to grade six at 1rt year highschool ng late 90's.

*Ito pa yung mga time na wala pang cellphones. Actually meron na nung 1998 pero di pa uso masyado at naglalakihan pa kasi ang mga cellphones nuon at pang call lang ang tanging features.

*uso pa talaga ang mga larong kalye, wala pa kasi'ng online games noon. May family computer games man pero mas sikat parin ang larong takbuhan (bente nueve, moro-moro), sipa, jolens, texts (card), siato (na hindi ko matutunan), jackstones, chinese garter, 10-20, langit-lupa, harang-taga, luksong baka (na lagi akong talo kase maliit lang ako hehe), luksong tintik, basul(kung anu man tawag jan, yan kasi ang alam ko, laro ng tsinelas, pag rambo tsinelas mo, lamang ka!), piko, baseball, basketball (huli nalang to).

*wala pa ko masyadong alam sa mga usong kanta non, basta ang alam ko lang, paulit ulit kong pinapakinggan at halos makabisado ko na mga kanta sa album ng eraserheads na cutterpillow nung grade 3 ako. Kadalasan naman kasi pag bata, mas sikat ang mga novelty songs tulad ng: always, macarena, shalala, mga kanta ng vengaboys, at nung nasa grade 5-6 nalang sumikat ang mga boybands tulad ng backtreetboys and bands like moffats and hanson.

*pinakafavorite ko nung time na yun ay manood ng cartoons: may drama at adventures: Julio at julia, charlotte, remy, nelo, adventures of tom sawyer, adventures of huck finn, judy abbott, cedie, marco, mojacko, princess sara, si mary at ang lihim na hardin, ang munting pangarap ni romeo, little women 2, vontrapp family singers, swiss family robinsons, blue blink,  atbp. Nandyan din ang mga super heroes tulad ng: dragonball z, bt X, gundam, flame of recca, ghost fighter, saber marionette j, magic knight rayearth, eto ranger, sailor moon, princess starla and the jewel riders, yaiba, zenki, voltes V at daimos. Hahaha madami pa.

*kung meron cartoons, meron din yung tao talaga at dito sumikat si mask rider black, shaider, machine man, meron din groups tulad ng maskman, bioman, jetman, power ranger, turbo ranger.waaah ang dameng super heroes noon!!! Hahaha